Ano ang Pabula at mga Halimbawa nito?


Pabula: Ano ang Pabula at mga Halimbawa nito?

Ang pabula o fable sa Ingles ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga hayop o kaya’y mga bagay na walang buhay ang siyang mga tauhan sa istorya. Ang mga ito ay kathang-isip lamang ngunit nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.

Kung ang tawag sa manunulat ng maikling kwento ay ‘Kwentista’, ang tawag naman sa manunulat ng pabula ay ‘Pabulista’.

Ang mga kwentong pabula ay karaniwang ginagamit bilang kwentong pambata kung saan ang mga tauhang hayop o bagay ay nagsasalita at binibigyang buhay na parang tao ng pabulista.

Mga Halimbawa ng Pabula

Narito ang ilang halimbawa ng mga kwentong pabula na may aral.
  1. Si Kuneho at si Pagong
  2. Ang Pagong at ang Kalabaw
  3. Si Mario, si Ana, at ang Isda
  4. Ang Mag-anak na Langgam
  5. Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa at Daga?
  6. Ang Aso at ang Uwak
  7. Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay?
  8. Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw
  9. Si Paruparo at si Langgam
  10. Ang Daga at ang Leon
  11. Si Pagong at si Matsing
  12. Ang Kabayo at ang Kalabaw
  13. Si Aso at si Ipis
  14. Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Sisiw
  15. Sino ang Magtatali ng Kuliling?
  16. Ang Lobo at ang Kambing
  17. Si Mahistrado Kuwago
  18. Ang Agila at ang Maya
  19. Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid
  20. Ang Uwak at ang Gansa


Post a Comment

Previous Post Next Post