Si Paruparo at si Langgam
Takang-taka si Paruparo
habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa
kanyang lungga sa ilalim ng puno.
“Ano ba
iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man
lang magpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?”
“Naku,
mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain
bago dumating ang tag-ulan.”
“Kalokohan
iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig,” pagmamalaki ni Paruparo.
“Bakit
nga ba?” Nagtataka si Langgam.
“Ganito
iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?” inginuso niya ang nasa di
kalayuan.
“Sino?’
tanong ni Langgam.
“Si
Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya
ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa
akin,” pagyayabang ni Paruparo.
“A,
ganoon ba?” sabi ni Langgam.
“Utak
lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi ni
Paruparo.
“Wala
akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,” mababa
subalit madiin ang tinig ni Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking
gawain.”
Pagkatapos
ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.
Ang mga
sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang
bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang
pagkain.
Lalong
umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at
dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa
rin ang pagbuhos ng ulan.
Ano
kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga.
Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang
kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?
Nakita
niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa.
Mayamaya’y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.
Napaurong
sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang
sarili: “Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.”
Aral
·
Wag ubusin ang magandang panahon sa pag lilibang.
·
Matutong mag-impok upang sa oras ng kagipitan ay may madudukot.
Post a Comment