Ang Aso at ang Uwak
May isang ibong uwak na
nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
Tinangay
niya ito at lumipad nang malayo.
Sa dulo
ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.
Ngunit
narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon,
ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
Natuwa
ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang
karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban
ng aso.
Walang
nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
Mula
noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.
Aral
·
Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng
iba para maisahan ka.
Post a Comment