Si Aso at si Ipis
Mataas ang mga punong
nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran. Napaligiran ng mga
palay at mga pananim ang bahay ni Mang Kardo. Sa harap naman, malapit sa
pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang
kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang Kardo sa bundok na iyon at
ang kanyang kapitbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.
Araw ng
Lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng bahay. Kaarawan kasi ng
kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng
pinakamasarap na kanin na kanyang ibinayo lamang kaninang umaga. Naghanda rin
siya ng pinikpikan at nilagyan ng etag upang mas lalo pang maging masarap ang
kanilang ulam. At upang mas lalong maging masaya ang apo ay nagluto rin siya ng
dalawang patong na cake.
Binilin
niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay dahil susunduin niya ang
kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi niyang matatagalan pa ito kaya ang aso
muna ang bahala sa kanilang bahay.
“Sige,
mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na babantayan ko ang bahay
pati na rin ang mga niluto mong mga pagkain,” yan ang sabi ng aso.
Naisip
niya na siguradong bibigyan naman siya ng kanyang amo sa inihanda nitong
pagkain kaya minabuti niyang bantayan ng mabuti ang bahay.
Tinawag
ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya sa pagbabantay ng bahay.
Pinaakyat
niya ito sa bubungan ng bahay para makita niya ang mga taong may masasamang
balak at upang masabihan siya agad.
Umakyat
nga ang ipis ngunit nakita nito ang cake sa lamesa, bigla siyang nagutom. Hindi
napigilan ni Ipis ang kanyang sarili kaya tinawag niya na rin ang kanyang mga
anak at mga kapamilya na alam niyang gutom din. Kinain nila ang higit sa
kalahati ng cake at humigop ng sabaw ng pinikpikan na may etag.
Nang umuwi si Mang Kardo
kasama ang apo nito ay nagulat sila ng makita nila ang cake at ang ilang putahe
na nagkalat. Galit na galit si Mang Kardo. Tinawag niya ang aso at ikinulong
ito sa pag-aakalang ito ang gumawa ng kalokohang iyon. Alam ng aso na ang
kaibigang ipis ang gumawa ng bagay na ito, pero hindi niya ito sinabi sa
kanyang amo.
Nakita
ng ipis ang paghihirap ng Aso at naawa siya sa kanyang kaibigan. Nag-isip siya
ng paraan para iligtas ang kaibigan ngunit wala siyang magawa kaya isang plano
ang nabuo sa kanyang isip.
“Kawawa
ang kaibigan ko. Kailangang ako ang magbayad sa kasalanang ginawa ko,”
naisaisip ni ipis.
Isang
umagang naghahanda ng almusal si Mang Kardo ay umakyat ang ipis sa lamesa at
sinadyang ipakita sa matanda ang paglantak sa almusal nito. Nakita ng aso ang
ginagawa ng ipis at tinahulan niya ito.
“Huwag
ipis, kung makita ka ng amo ko ay ikulong ka katulad ko,” tahol pa nito.
“Hayaan
mong malaman niya na ako ang gumagawa nito para makalaya ka,” sagot ni Ipis.
Nakita
nga ni Mang Kardo ang ipis at sa isang hampas nito ng aklong hawak ay namatay
ang ipis. Naisip niya na ito rin ang kumain sa handa ng kanyang apo at dahil
dito ay pinakawalan niya at muling minahal ang aso.
Masaya
ang aso na malaya na siya ngunit nahabag naman siya sa kaibigang ipis.
“Sumalangit
nawa ang iyong kaluluwa,” dalangin ng Aso.
Aral
·
Ang paggawa ng kasalanan ay tiyak na may kaparusahan.
Post a Comment