Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Sisiw
Isang inahing manok na may
anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw,
lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, “panahon na
upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga
kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!”
Narinig
ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, “kailangang lumikas na
tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo
rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!”
“Huwag
kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok. “Kung mga kapit-bahay
lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon
pa tayo upang manirahan dito.”
Tama
nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y walang mga
kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
“Kung
hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako
lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!”
“Narinig
ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang
ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, “kung sa mga
kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipag-sunod ang mga iyon! May mga
trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May
panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”
Kinabukasan
nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang
magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil
dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, “bukas na
bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang
maaasahan kundi ang ating mga sarili!”
Nang
marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.
Noon
nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
“kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong
maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang
sarili!”
Aral
·
Kung nais mong magtagumpay sa isang bagay o larangan, pagsikapan
mo iyon ng hindi umaasa sa iba. Walang ibang tutulong sayo sa iyo para makamit
ang tagumpay kung hindi ang sarili mo lamang.
Post a Comment