Sina Pagong at Matsing ay
matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay
tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng
pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.
“Naku
baka panis na yan” sabi ni Matsing.
“Ang
mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang
lason ang pagkain,” dagdag pa nito.
“Hindi
naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si
Aling Muning,” sabi ni Pagong.
“Kahit
na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.
Walang
nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni
Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.
“Pasensya
ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod
ka na lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.
Dahil
sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa
kaibigan.
Sa
kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.
“Matsing!
Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko
itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito,”
masayang sabi ni Pagong.
“Gusto
ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing.
“Pasensya
ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin.”
“Hahatiin?
O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?”
nakangising sabi ni Matsing.
“Ha? sa
akin ang ibabang bahagi?” tanong ni Pagong.
“Oo,
wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang
ang itaas na parte,” sabi ni Matsing.
Umuwing
malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang
si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.
Inalagaan
ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang
linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.
Si
Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging.
Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.
Nainggit
si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.
“Aba,
nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at
natuyo,” sabi ni Matsing.
“Inalagaan
ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo
ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat,” paliwanag ni Pagong.
“Hmp!
Kaya pala nalanta ang aking tanim,” nanggigil na sambit ni Matsing.
“Mukhang
hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin,” anyaya nito.
“Gusto
ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin,”
sabi ni Pagong.
“Kung
gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga.
Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking miryenda,” sabi ni Matsing.
Pumayag
si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng
puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.
“Akin
na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin.
Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing.
Nanatili
sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.
Galit
na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng
mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga
tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.
“Pagong,
tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang
uulan ng malakas,” pagmamakaawa ni Matsing.
“Ayoko!
Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. Mukhang
malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” Sabi ni
Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning.
Makalipas
ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si
Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.
“Arrrraayyy!
Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong
matsing.
“Humanda
ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin,” bulong nito sa sarili.
Kinabukasan,
kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing ay hinanap niya si Pagong. Nakita
niya itong naglalakad sa may kakahuyan.
“Hoy Pagong
humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.
“Anong
gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong
“Tatadtarin
kita ng pinong pino,” sabi ni Matsing.
Nag-isip
ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.
“Oo
sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagputul-putullin nang sa gayon ako ay
dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha,”
sabi ni Pagong.
Nag-isip
ng malalin si Matsing.
“Haha,
susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka,” sabi ni Matsing.
“Hindi
ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang
makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama
dito,” pagyayabang ni Pagong.
Nag-isip
na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa
dalampasigan.
“Tignan
natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa
malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing
Lihim
na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.
“Naku
huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako
marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong.
Tuwang-tuwa
si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya
itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si
Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa
lupa ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.
“Hahaha.
Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa
dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!!” natutuwang sabi ni
Pagong.
Malungkot
na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang
kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.
Mula
noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.
Aral
·
Hindi porke’t mukhang mahina ang isang tao ay maari mo na itong isahan. Darating ang araw na ang masamang ginawa mo sa iba ay pagbabayaran mo rin.
Huwag maging tuso.
Iwasan ang pagiging madamot.
Ang pagkakaibigan ay higit na mahalaga kaysa ibang bagay. Kaya pahalagahan sila dahil mahirap makahanap ng isang tunay na kaibigan.
Hindi porke’t mukhang mahina ang isang tao ay maari mo na itong isahan. Darating ang araw na ang masamang ginawa mo sa iba ay pagbabayaran mo rin.
Huwag maging tuso.
Iwasan ang pagiging madamot.
Ang pagkakaibigan ay higit na mahalaga kaysa ibang bagay. Kaya pahalagahan sila dahil mahirap makahanap ng isang tunay na kaibigan.
Post a Comment