Ang Babaing Maggagatas
Isang araw ang babaing
maggagatas ay nagpunta sa palengke na may bote ng gatas sa kanyang ulo. Maganda
at mabuti ang panahon ng araw na iyon. Habang siya ay naglalakad sa maruming
lansangan, siya ay nagsimula ng mangarap kung ano ang kanyang gagawin sa perang
mapagbibilihan niya ng gatas.
“Marahil,” sabi niya, “bibili ako ng manok sa aking kapitbahay at
kapag ito’y nangitlog, ipagbibili ko at ang perang mapagbibilihan ko ng itlog
ay ibibili ko nang magandang damit na may laso. Baka bumili rin ako ng isang
pares ng sapatos. Pagkatapos ay pupunta ako sa Pistang Bayan at ang lahat ng
mga lalaki doon ay magtitinginan sa akin at ako’y susuyuin ngunit hindi ko sila
papansinin at iismiran ko pa sila.”
Nakalimutan
niya na may bote ng gatas sa kanyang ulo, kaya’t paggalaw niya sa kanyang ulo,
ang mga bote ay nagsibagsak. Ang mga ito ay kumalat sa kapaligiran. Ang kanyang
mga pangarap ay nagsilaho kasabay ng mga bote ng gatas.
Lungkot
na lungkot siyang umuwi at hindi niya malaman kung saan siya kukuha ng kakainin
para sa araw na iyon.
Aral:
- Ituon ang pansin sa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng sa gayon ay magawa ito ng maayos.
- Hindi masama ang mangarap ng mga magagandang bagay pero mas bigyan halagang at unahin kung ano ang pinakakailangan.
- Huwag magbilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog.
Post a Comment