Ang Pagong at ang Kalabaw
Isang araw ay nagkita ang
kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa
lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad mo
ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi
tulad mong lampa na’t maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.”
Ang
pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang-api.
Minamaliit mo ang aking kakayahan. Dapat mong malaman na ang maliit ay
nakakapuwing.”
Napika
si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang
sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw.
“Kapag
ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.”
“Matibay
ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit
ng kalabaw.
“Bukas
ng umaga, sa lugar ding ito,” ang daling sagot ng pagong.
Tuwang-tuwa
si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at
mabilis tumakbo.
Subalit
si pagong ay matalino. Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto
niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan,
maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya
sa karera.
“O, paano,
di pa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?” tanong ng
kaiabaw.
“Okey,
ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok
na iyon ay siyang panalo,” sabi ng pagong.
Tulad
ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw
ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala
niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa
ikalawang bundok. Ganon din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong
doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong
bundok. Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at
ikalimang bundok.
Dahilan
sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya
ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa
halip ay ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak
ng kuko sa pagsipa sa mahina at maliit na pagong.
Aral
·
Iwasan ang pagiging mayabang.
·
Huwag dayain ang kapwa.
Post a Comment