Si Kuneho at si Pagong
Isang araw ay
nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.
Ngingisi-ngising
inaglahi ng Kuneho ang Pagong.
“Hoy,
Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal
mong lumakad.”
Hindi
ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may maipagmamalaki
din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.
“Aba,
Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro akong matatalo
kita sa palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok ng
bundok pagsikat ng araw bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”
Tuwang-tuwa
ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng Pagong ay tiyak
na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng Kuneho ang lahat
ng kamag-anak niya.
Pinulong
niya ang mga ito at inutusang palakpakan siya kapag matagumpay na naakyat na
niya ang tuktok ng bundok. Iniutos din niyang kantiyawan sa mabagal na pag-usad
ang kalaban.
Maagang-maaga
dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.
Maaga
ring dumating ang iba’t ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi ng isang
tunggalian.
Kapansin-pansing
kung maraming kamag-anak si Pagong ay higit na maraming kamag-anak ni Kuneho
ang nagsulputan.
Nang
sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban. Ang mabilis na
pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang laban.
Sabay
na gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang
mayabang na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang
kalahatian ng bundok at lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na
kalaban.
Maraming
naawa sa mabagal na Pagong.
“Kaya
mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay,
kuya, ate, at mga pinsan.
“Talo
na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak ni
Kuneho.
Kahit
kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.
Malayung-malayo
na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang tanawin ang anino
ng kalaban. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-ngising sumandal
ito sa isang puno at umidlip.
Kahit
na sabihing napakabagal umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng
lakas upang unti-unting makapanhik sa bundok.
Nang
matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong nagsikap
umisud-isod pataas ang pawisang Pagong.
Palabas
na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito nang matanawang
isang dipa na lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.
Litong
nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat
sapagkat narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.
Aral
·
Ang nagsisikap ay ginagantimpalaan at ang pagpapabaya ay
pinarurusahan.
Post a Comment