Im forgiven, because you were forsaken
Im accepted, you were condemned

Matagal na akong nagtatrabaho sa isang kumpanya ng isang tren. Bilang inhenyero, buong buhay ko ay ginugol ko sa kumpanyang ito. Sa edad na animnapu’t tatlo ay nasaksihan ko na ang madaming mukha na paroo’t parito sa istasyon ng tren, pati ang samu’t saring kwento ng buhay ay aking natunghayan. Mula sa simpleng pagmamasid sa mga pasahero hanggang sa pakikipag-usap sa kanila, nalalaman ko ang mga pinagdadaanan nila.
Ang tren na to ay nagdadala ng ibat-ibang uri ng tao. May mga lulong sa bisyo, manloloko, mga gumagamit ng bawal na gamot, mga kabataang rebelde, mamatay tao, magnanakaw, at marami pang iba. Sila ang mga taong kadalasan ay may gustong takasan, gustong takasan ang buhay, lugar, alaala, at mga taong kanilang sinira.
Ang huling proyektong nahawakan ko ay isang tulay na daraanan ng tren. Ang tulay na ito ay nagdurugtong sa dalawang bahagi ng lupa na pinaghihiwalay ng malawak na ilog na dinaanan din ng barko. Kaya hindi permanente ang tulay na ito, itoy dinudugtong lamang kapag paparating na ang tren. Dito ko nakilala si Dave, siya ang nagsilbing Bridgemaster o tagadugtong ng tulay. Natapos ang proyekto nung ako’y apatnapung taon pa lamang at pagkatapos nun ay dito na ko namalagi para mangalaga at mangasiwa ng tulay. Si Dave ang lagi kong kasama at naging magkaibigan kami.
Si Dave ay may siyam na taong gulang na lalaking anak na lagi nyang dinadala doon. Masayahin ang bata, at tuwang tuwa ito sa tren. Malapit si Dave sa anak niya at makikitang mahal na mahal nya talaga ito. Sabi nga ni Dave makita nya lang ang ngiti ng anak nya nawawala lahat ng pagod at problema niya.
Mahilig maglaro ang anak ni Dave sa may riles at sa twing paparating ang tren ay kakaripas ito ng takbo sa may operating dock upang pagmasdan ito. Tuwang-tuwa siya at pinagmamasdan nya ito hanggang sa pinakadulo. At masaya naman akong pinagmamasdan sya sa bintana ng aking opisina.
Ngunit isang araw noon, paparating na ang tren at nakapwesto na si Dave sa Bridge Operating Room para idugtong ang tulay. Ngunit sa bintana ng silid niya habang inaabangan ang tren ay narinig nya ang iyak ng anak nya. Sinilip nya ito at ito pala ay nahulog sa isang hydraulic box na bahagi ng mekanismo ng tulay. Kapag dinugtong ni Dave ang tulay ay maiipit ang bata at mamamatay. At kung di naman nya dinugtong ay mamamatay ang libo-libong taong sakay ng tren.
Halos natulala si Dave ng masaksihan ko ay tumakbo ako paalis sa opisina ko, ngunit napakalayo nito. Nakita ko hawak ni Dave ang knob habang tumutulo ang luha sa mga mata nya.
Paparating na ang tren, nasa baba na ko ng gusali ng aking opisina at nakita ko lamang na nakababa na ang tulay at nakadaan ng ligtas ang tren. Nakita ko si Dave na tumakbo pababa ng tower nya papunta sa anak nya. Lumuhod sya at walang tigil na tumangis.
Pinagmasdan ko ang dumadaan na tren. Mula sa bintana nito ay nakikita ko ang mga tao. May natutulog, nag-uusap, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagkakainan at nag-iinuman.
Im alive and well
Your spirit lives within me
Because You died ang rose again
Amazing love, how could it be
That you my King would die for me…
Amazing love…
Note: Ang orihinal na kwento ay hango sa isang YouTube video na may pamagat na “A Father’s Love”.
Verses are from the lyric of the song “Amazing Love (You Are My King)” by Newsboys
Aral:
·         Ang pag-ibig na ipinakita dito ay ang klase ng pag-ibig ng Diyos atin. Iniaalay niya ang kanyang kaisa-isang anak upang tayo ay maligtas sa isang tiyak na kapahamakan. Maaring hindi tayo karapat-dapat sa ganitong klase ng pag-ibig, ngunit ang tiyak ay minamahal Niya tayo kaya kahit ang bugtong Niyang anak ay handa niyang isakripisyo.



Post a Comment

Previous Post Next Post