“Wala na po siya!” Tugon
ng nurse na nasa information counter ng Santisima De Dios Hospital nang
tanungin ni Ralph kung nasaan ang pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room
214.
Si
Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa
na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay punong-puno ng matatayog
na pangarap. Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang
pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na
mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap
nilang ito.
Ngunit
ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na darating? Sino
na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw
puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala
na ang kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing
gabi na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan kung
ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?
Sapo-sapo
ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga luha niyang bigla
na lamang pumatak nang marinig niyang wala na nga si Donna. Napasandal siya sa
pader at
walang lakas na napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung bakit naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang battery ng kanyang cellphone. Marahil ay tumatawag sa kanya ang mga kapatid ni Donna nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit sa huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang pangalan niya ang hinahanap at tinatawag.

“Bakit
kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi ipinaalam sa
akin?”
Magulo
ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa kanyang puso.
Kung
gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.
Sana
hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip siya ng umagang
iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip na siya’y magdiretso na sa
ospital. Kung alam niya lang na sa wala mauuwi ang kanilang pagsasama at
pagluha ang katumbas ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi na sana niya
pinanghinayangan ang anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at
ginamit niya upang mapaligaya ang kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga
naipon? Sino na ang paglalaanan niya nito?
Alam ni
Ralph maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na kailan lang ay halakhak
nilang dalawa ang namamayani. Magiging kalbaryo ang kanyang bawat araw.
Magiging madilim ang kanyang gabi at pati na ang umagang darating. Matagal bago
muling mabuo ang pangarap na gumuho. Matagal bago muling makabangon mula sa
pagkakadapa. Hindi niya batid kung kailan
sisilay muli ang napingasan niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.
sisilay muli ang napingasan niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.
Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni Donna
at halos hindi na nila na naging paksa ang kanyang karamdaman dahil tuluyan
nang bumaba ang platelets ng nobya,
sensyales na pawala na ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa kinakasama. Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni Donna sa trabaho bilang manager ng Logistics Department sa kompanyang pinapasukan nito at ang balaking pagdu-Dubai ni Ralph sakaling may dumating na magandang oportunidad.

Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna! Wala
na ang kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami nang dengue case kasi
ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa biglaang kamatayan kahit sabihin
pang bumuti na umano ang lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente
ngunit sa kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga
medical equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang buhay ng dengue
victim.
“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Ralph na nakatungo ang ulo,
nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader. Mugto ang nga mata,
sumisinok-sinok na halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya ang nurse
ngunit wala siyang pakialam sa sasabihin nito, bahagyang iniangat niya ang
kanyang ulo.
“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po siya,
si Ma’am Donna. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya raw pong
i-celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver na pinirmahan niya
kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.
Tulala si Ralph dahil sa narinig niya mula sa nurse.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
Anniversary nila kahapon.
Aral:
·
Kung ikaw ang nurse at sa iyo ay may magtanong, mangyaring ipaliwanag ng
mabuti ang mga sagot sa taong nagtatanong upang hindi mabigyan ng ibang
kahulugan ang sagot na iyong ibinigay. Hindi na sana naging malungkot ang
emosyon ni Ralph kung antimano ay naintindihan niyang nakauwi na pala si Donna
at hindi ang inaakala niyang patay na ito.
·
Mabuti sa tao ang may pangarap. Mas maganda kung may kasama ka na
makakatuwang upang maabot iyon. Ngunit kung sakali mang ikaw na lang mag-isa
ang aabot sa pangarap na iyon, wag mo itong susukuan at huwag na huwag kang
magpapakain sa matinding lungkot. Maaring may mga bagay na hindi mo maabot sa
paraang nais mo ngunit kung magtitiwala ka sa Diyos ay siguradong may mas
maganda siyang nakalaan para sa iyo.
·
Maging positibo sa lahat ng pagkakataon.
Post a Comment