Ang Punong Kawayan
Sa isang bakuran, may
ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong
ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa
isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan,
napaligsahan ang mga punungkahoy.
“Tingnan
ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”
“Daig
kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.”
“Higit
akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.”
“Ako
ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,” wika ni
Niyog.
“Tekayo,
kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan
ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”
Nagtawanan
ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit
si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang
pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang
mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip
ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.
Aral:
·
Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag
maging mayabang.
·
Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi siya
kasing gaganda at kasing-tikas ng ibang mga puno, siya naman ay higit na
matatag sa oras ng pagsubok.
Post a Comment