Ang Matalik kong Kaibigan
Tulad ng nakagawian kong
gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan.
Ipinatong ko ang pagod kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin ang
kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.
Sunod
kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga
pangalan ng mga namatay sa obituary.
Laking
gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan.
Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib.
Sinabi
ko kay Nanay na namatay si Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter’s Chapel
kung saan siya nakaburol.
Sa St.
Peter’s, sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking
kaibigan.
Sa
pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada.
Puro sila malungkot at halos maiyak-iyak.
Di ko
mapigil ang aking luha habang minamasdan ko ang mukha ni Richard sa loob ng
kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at noo. Lumapit sa akin ang kapatid
niyang si Kristine.
“Nabundol
ng trak ang kotseng sinasakyan niya.”
“Saan
nangyari ito?” ang tanong ko.
“Sa may
Magallanes Village, sa Expressway, noong Sabado. Wala ngang nakakita kung anong
plate number ng truck. Hit and run ang nangyari.”
“Nanghina
ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong hapon. Nagmadali nga akong pumarito,”
ang wika ko.
Isang
mabait at masayang kaibigan si Richard. Marami siyang kaibigan, mahirap at
mayaman. Buhat pa ng maliliit kami ay magkaibigan na at madalas magkasama,
nagbabasketball, namamasyal, nagsisimba, at iba pang gawain ng mga bata.
Bakit
kaya siya binawian agad ng buhay? Labimpitong taon pa lamang siya. Marami pa
sana siyang magagawa at matutulungan. Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga
pala nakatitiyak ang sinuman kung kailan darating ang kamatayan. Maaaring sa
araw ding ito, o sa madaling panahon.
Kailangang
maging handa sa lahat ng oras. Kailangan ang paghingi lagi ng awa at kailinga
sa Diyos, at ang pagiging mabait.
Aral
·
Hindi mo hawak ang iyong buhay kaya maging handa ka sa lahat ng
oras.
·
Maging mabuti kanino man.
·
Laging humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanan mong
nagawa at ugaliing manalangin na patnubayan ka ng Panginoon sa lahat mong
pupuntahan at gagawin.
Post a Comment