Ang Kalabasa at ang Duhat
Noong unang panahon
nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano
magsilaki ang mga ito.
Dahil
si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na
ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.
“Sabik
na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.
Si
Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang gumapang,
hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.
Ngunit
hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa
dalawang ito.
Matamang
nag-isip si Bathala.
“Ang
duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga.
At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat
lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang.” Wika ni Bathala.
Ganyan
nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad niyang nakita
na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng
bunga. Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang
mga bunga nito lalo’t natatakpan sa malalapad na dahon.
Muling
nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.
Napagpasiyahan
niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At napatunayan niyang tama ang
kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil
ang puno ay gumagapang lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan,
hindi masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang
ito’y malayo sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y malapit sa
araw.
At sa
kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.
Aral:
·
May kanya-kanyang natatanging katangian ang lahat. Maging masaya
sa kung ano ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos dahil siguradong may dahilan kung
bakit ganyan ang katangiang mayroon ka.
Post a Comment