Maikling Kwento: Mga Elemento, Bahagi, Uri, at Halimbawa
Ano ang Maikling Kwento?
Ang
maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng
isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng
Maikling Kuwentong Tagalog.
Kahit
ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring
hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa
kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Ayon kay Edgar
Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring
maganap.”
Noong
panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at
ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Mga Elemento ng Maikling
Kwento
Mayroong
labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1.
Panimula
Dito
nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2.
Saglit na Kasiglahan
Naglalahad
ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3.
Suliranin
Ito ang
problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4.
Tunggalian
Ang
tunggalian ay may apat na uri:
·
Tao laban sa tao
·
Tao laban sa sarili
·
Tao laban sa lipunan
·
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5.
Kasukdulan
Sa
kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
6.
Kakalasan
Ito ang
tulay sa wakas ng kwento.
7.
Wakas
Ito ang
resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8.
Tagpuan
Dito
nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din
dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
9.
Paksang Diwa
Ito ang
pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10.
Kaisipan
Ito
naman ang mensahe ng kwento.
11.
Banghay
Ito ay
ang mga pangyayari sa kwento.
Mga Bahagi ng Maikling
Kwento
Ang
maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.
1.
Simula
Kabilang
sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung
sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng
bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad
ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang
panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2.
Gitna
Ang
gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit
na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3.
Wakas
Ang
wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman,
may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang
wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa
palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.
Mga Uri ng Maikling
Kwento
May
sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1.
Kwento ng Tauhan
Inilalarawan
dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2.
Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang
diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3.
Kwentong Bayan
Inilalahad
dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4.
Kwento ng Kababalaghan
Dito
pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5.
Kwento ng Katatakutan
Naglalaman
naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6.
Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang
diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
7.
Kwento ng Sikolohiko
Ito ang
uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8.
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa
balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9.
Kwento ng Katatawanan
Ito ay
nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito
naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Mga Halimbawa ng
Maikling Kwento na may Aral
Narito
ang ilang mga Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral.
Post a Comment