Ang Bata At Ang Aso
Si Boyet ay may alagang
aso. Ang tawag niya dito ay Tagpi. Puting-puti ang makapal na balahibo ni
Tagpi. Sa bandang likod ay mayroon itong isang malaking tagpi na kulay itim.
Iyon ang dahilan kung bakit tagpi ang itinawag ni Boyet sa kanyang aso. Mahal
na mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan. Binibigyan niya ito ng
maraming masasarap na pagkain at tubig. Madalas din niya itong ipinapasyal.
Habol,
Tagpi!” sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pagtakbo sa alaga.
Isang
araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Boyet. Kasing laki ni tagpi ang aso
pero kulay tsokolate ito. Manipis ang balahibo ng tsokolateng aso kaya hindi
ito magandang tingnan. Marami pang putik sa katawan kaya mukha rin itong
mabaho. Hindi ito katulad ni Tagpi na ubod ng linis dahil araw-araw niyang
pinaliliguan.
Nakita
ng tsokolateng aso si Tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan ang kanyang
alaga. Gagalaw-galaw pa ang buntot ni Tagpi na parang tuwang-tuwa.
Hindi
nagustuhan ni Boyet na makikipaglaro si Tagpi sa marungis na aso. Binugaw niya
ang aso pero ayaw nitong umalis.
“Tsuu,tsuu!”
bugaw niya rito.
Ayaw
umalis ng aso, panay ang tahol nito kay Tagpi. Nainis si Boyet. Kumuha siya ng
mahabang patpat at hinampas niya ang aso. Nabuwal ito at nag-iiyak.
Hahampasin
sana muli ni Boyet ang kulay tsokolateng aso para tuluyan nang umalis pero
dumating ang kanyang tatay, agad siyang inawat nito.
“Huwag
mong saktan ang aso, Boyet” sabi ng kanyang ama.
“Ang
baho po kasi, Itay! Baka mamaya ay mahawa pa sa kanya si Tagpi,” katwiran niya.
“Paano
kung si Tagpi ang mapunta sa ibang lugar at saktan din siya ng mga bata doon.
Magugustuhan mo ba iyon?” tanong ng ama.
Hindi
nakasagot si Boyet. Napahiya siya.
Tinulungan
nilang makatayo ang aso. Pinabayaan na niya itong makipaglaro kay Tagpi.
Aral
·
Maging mabait sa mga hayop.
·
Huwag gawin sa ibang hayop ang ayaw mong gawin nila sa alaga mo.
Post a Comment