Si Apolinario Mabini ay binansagang bilang “Utak ng Himagsikang Filipino” at “Dakilang Lumpo” dahil sa kaniyang mga akda at naging mahalagang tungkulin noong panahon ng Himagsikang Filipino.
Si Apolinario Mabini ay isinilang noong hulyo 23, 1864 sa tanauan batangas. Kapwa isang hamak na magsasaka lamang ang kaniyang mga magulang na sina Inocencio Mabini ang kaniyang ama at si Dionisia Mabini ang kanyang ina.
Sa murang edad ay nakikita na ng kanyang magulang ang katalinuhan at husay niya na naiiba sa nakararami. Pinilit ng kanyang mga magulang na mapaaral siya bagamat mahirap lamang sila ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo de san juan de letran ng maipasa niya ang pagsusulit ng paaralan. Nakapag aral siya ng libre ngunit kailangan nyang bumili ng pagkain,uniporme at kagamitan kung kaya’t siya ay napilitang magturo ng latin sa mga pribadong paaralan sa maynila, bauan at lipa
Nang matagumpay niyang natapos ang Bachelor of Arts ay nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Bachelor of Laws sa unibersidad ng Santo Tomas. Lumaki rin ang gastusin ni Mabini bilang estudyante ng abogasya kaya namasukan siya bilang isang istenograper sa court of first instance at klerk sa intendencia general.
Dahil sa pagibig sa bansa binuhay muli ni mabini ang La Liga Filipina noong 1863 nang halinhan ito ng cuerpode compromisanos noong 1864 ay nahalal si apolinarion bilang isang sekretaryo ng organisasyon.ang samahang ito ay naglayong magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagadistang pilipino sa Espanya.
Kahit hati ang sarili sa pagtatrabaho,pag-aaral at pagsali sa organisasyon, nagawa niyang magtagumpay ng matapos ni apolinario ang pag-aabugasya noong 1895.
Habang namamasukan si apolinario sa notario publico ay dinapuan siya ng napakataas na lagnat na nauwi sa pagkakasakit na polio. Kahit na may karamdaman ay tuloy ang pagtulong niya sa rebolusyonaryo. Nang malaman ng mga guardia civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay inaresto ang “dakilang paralitiko”noong oktubre 16,1896 kung hindi lamang sa kaniyang karamdaman ay naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong hospital kung saan siya ginagamot sa san juan de dios ay pinamalagi siya bilang isang bihag o bilanggo at pinalaya din dahil sa kaniyang karamdaman.
Nang makabalik sa pilipinas sa emilio aguinaldo noong Mayo 19,1898 ay pinasundo niya si mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong Hunyo 12,1898 si mabini ay naging punong tagapayo ni aguinaldo.
Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni mabini ay ang pagaalis ng diktadurya ng pamahalaan ni aguinaldo at pagpalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan.nagsilbi rin siya sa kabinete ni aguinaldo bilang isang pangulo ng konseho at kalihim ng ugnayang panlabas.
Isa pa sa pinakamahalagang dokumento na nagawa ni mabini ay ang programa Constitutional Le La Republika ng pilipinas. Ang balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo na isinulat upang gisingin ang diwa ng mga pilipino sa pagiging makabayan.
Nang sumiklab na ang gyera sa pagitan ng mga pilipino at amerikano ay tumakas si mabini patungong Nueva Ecija at nadakip siya ng mga amerikano sa Cuyapo noong disyembre 10,1898. Nanatiling bilanggo si mabini hanggang sa 23 setyembre 1900.
Nanirahan si mabini sa isang maliit na dampa sa Nagtahan,Maynila at kumikita siya sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil De Alejandro ay nagdulot sa muli niyang pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang ibang mga pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipino.
Namatay si mabini noong Mayo 13,1903 sa gulang na 39 dahil sa kolera.
Post a Comment