"Tagay"


Iba't ibang kwento

Iba't ibang simula

Pero isa lang ang sentro

Tagumpay ng bawat isa

Ano man ang hamon

Hindi nangangamba

Kahit hamunin ng takot

Hindi ito tutumba


Kilalang palaban 'di nag-aalangan

Sugod lang sa pangarap ano man ang daan

Sa init at lubak, sa hirap at lumbay

Dirediretso lang sa tagumpay


Para sa tapang na tunay

Para sa tibay at husay

Isang tagay sa mga ganado sa buhay

Para sa pusong lalaban

Pangarap, pamilya at bayan

Isang tagay sa mga ganado sa buhay


Ilang beses mang tumumba

Malagay man sa pangamba

Lahat yan hindi uubra

Kitang kita ang angas sa mata

'Di natatalo, dahil natututo

Kahit mapagod walang balak sumuko

Hindi matitibag ang pag-asa

Dahil sama-sama sa pag-arangkada


Kilalang palaban 'di nag-aalangan

Sugod lang sa pangarap ano man ang daan

Sa init at lubak, sa hirap at lumbay

Diretso lang sa tagumpay


Para sa tapang na tunay

Para sa tibay at husay

Isang tagay sa mga ganado sa buhay

Para sa pusong lalaban

Pangarap, pamilya at bayan

Isang tagay sa mga ganado sa buhay


Ikaw, ako, tayo makabagong bayanihan

Samahang hindi mabubuwag, kapatiran

Anu man ang kalaban madami man yan o higante

Never say die lang ang sinisigaw palagi

'Di mo masisindak, 'di mo malilinlang

Ika'y makakatiyak 'di mapipigil ang pangarap

Pag-ibig ng ganadong palaban laging may paraan

Dirediretso lang ano man ang daan

Hindi pwedeng bahala na lang

Kailangang planado ang laban

Nakatutok at nakaabang

Pangarap, pamilya at bayan

Tunay na mandirigma isip, puso at diwa

Pilipinong ganado itaas ang bandila


Pilipino ako, ganado ako

Matapang ako, lalaban ako

Pilipino ako, ganado ako

Matapang ako, lalaban ako


Para sa tapang na tunay

Para sa tibay at husay

Isang tagay sa mga ganado sa buhay

Para sa pusong lalaban

Pangarap, pamilya at bayan

Isang tagay sa mga ganado sa buhay.

Post a Comment

Previous Post Next Post