Tayo'y magsayaw, irog ko, ng tinikling,

Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin;

Ang mga hakbang kung di pagbubutihin,

Dalawang kawayan tayo'y iipitin.


Kung nagsasayaw ka, giliw, ng tinikling,

Kumpas ng kawayan kahit mapatulin;

Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin,

Sing ilap ng puso mo sa pag-giliw.


At sa tinikling na tigib ng panganib,

Ang hindi maingat, maiipit;

Pusong maharot ganyan din sa pag-ibig,

Ang makakamit paghakbang ay ligalig.

Post a Comment

Previous Post Next Post