Noong
araw ang mga punong mangga ni mang Isko ay halos magkakapareho lamang ang laki.
Ang tawag sa mga ito ay puhutan. Napakatamis kapag nahinog at gustong gusto ng
mga bata.
Isang
araw may isang dalagang dumaan sa manggahan ni mang Isko. Nagkusa si mang Isko
na bigyan ito. Agad natuwa ang binibini. Sa katuwaan nito ay agad nitong
itinanim ang buto sa paanan ng bundok at sa may hangganan ng bukid.
Agad
na tumubo ang dalawang buto sa paanan ng bundok at sa bukid. Balak sanang
putulin ni mang isko ang mga punong ito ngunit tila may nagbulong na...
Nanghinayang
si mang Isko kaya't minabuti nyang hayaan na lamang ito.
Malaking
pakinabang ang mga puno lalo na sa mga magsasaka at sa kalabaw na madalas
sumilong sa may bukid.
Ang
madalas na pag silong ng kalabaw sa punong mangga at nagbigay daan para pag
uusap nila ng madalas.
At
dahil dito nagkaroon ng pag kakaintindihan ang kalabaw at ang punong nasa
bukid.
Samantala
nagkaroon din ng kagustuhan ang punong mangga na nasa paanan ng bundok sa
magsasakang laging may dalang "Piko".
Lumipas
ang mga araw at ang dalawang punong mangga ay namulaklak at namunga.
Nang
bumalik si mang Isko ay lubhang nagtaka ito, ang dalawang puno na nakatanim ng
magkahiwalay ay may magkaibang laki.
Muli
at nagbalik ang dalaga at sinabing...
"Sapagkat
ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawan ni kalabaw at pahutan, ito ay
tatawaging manggang kalabaw. Bagamat magkawangis ang kabilang puno, ito ay may
kakaibang sukat sapagkat ito'y ipinaglihi sa piko at tatawagin itong manggang
piko"
"Binibini
paano mo nasabi ang bagay na yan?"
"Sapagkat
ako ang diwata ng mga prutas" nakangiting sabi at kalaunay naglaho ang
dalaga.
Ang
sinabi ng diwata ay paulit ulit na ikinuwento ni mang Isko sa mga namimili ng
mangga.
At
ayan ang alamat ng manggang kalabaw at manggang piko.
Post a Comment