1. Bahay ni nano, walang bintana walang pinto. (itlog)
2. Narito na si ugong, bulong nang bulong. (bubuyog)
3. Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo. (pako)
4. Nakayuko ang reyna, hindi malaglag ang korona. (bayabas)
5. Sa gabi ay gising, sa araw ay mahimbing. (paniki)
6. Wala sa langit, wala sa lupa. Kung lumakad ay nakatihaya. (bangka)
7. Tinabas na, tinabas pa. Halamang hindi malanta lanta. (buhok)
8. Nung bata ay may buntot, nung lumaki ay putot. (palaka)
9. Malayo pa ang sibat, nakanganga na ang sugat. (bibig)
10. Maliit pa si Rene, umaakyat na sa tore. (langgam)
11. Isang butil ng palay, napupuno ang buong bahay. (ilaw)
12. Heto na si kaka, may sunong na dampa. (pagong)
13. Heto na si lelang, kakaang kaang. (gunting)
14. Humahaba ang buhay kung kailan pinapatay. (kandila)
15. Isang bunga ng bayabas, pito ang butas. (mukha)
16. Kampanilya ni kaka, laging pula ang mukha. (makopa)
17. Mayroon akong alipin, sunod nang sunod sa akin. (anino)
18. Malaking kalokohan, nasa likod ang tiyan. (kuba)
19. Nagdaan si Tarzan, nabiyak ang daan. (zipper)
20. Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo. (pusa)
Post a Comment