PIROT - AMPON LYRICS
Napulot ko ikaw, balot ng basahan
Pinadede ko ikaw, gatas ng kalabaw
Lapin sinursihan aking binurdahan
Ako ang tatay mong nanay
Pinakain ko ikaw sa palad ng kamay
Aking pinaypayan ‘wag lang malangawan
Aking kinantahan ng himig kundiman
Ako ang tatay mong nanay
Tandang-tanda ko pa noong bata ka pa
Aking ibenenta singsing na pamana
Ibinili kitaiyaking manika
Para lang masiyahan ka
Minahal ko ikaw ng higit sa buhay
Pinalo man kita upang bigyang aral
Ngunit ano ngayon, ano ang ganti mo
Ba’t mo ako ginanito?
Pinaaral ko ikaw sa isang kolehiyo
Nangutang pa ako para sa tuition mo
Ngunit ano ngayon, ano ang ganti mo
Ba’t ka ba nagpatukso?
Bakit ka nadulas sa masamang landas
Nagkulang ba ako ng payo sa iyo
Anong nakain mo bigla kang nabuyo
Napadpad sa Olongapo
Post a Comment