ANG TAO'Y MARUPOK

by Rico J. Puno

Oh kaysarap na mabuhay sa daigdigan 
Lalo na kung kapiling ang mahal sa buhay 
Nang madama ang ligaya sa gabi't araw 
Nalimot mong ang lahat ay mayro'ng hangganan 
Ngunit ngayon naramdaman ang kalungkutan 
Ay noon mo naalala ang Maykapal 

Ang tao'y marupok, kaydaling lumimot 
Sa Diyos na ang lahat Siya ang nagdulot 

Nang madama ang ligaya sa gabi't araw 
Nalimot mong ang lahat ay mayro'ng hangganan 
Ngunit ngayon naramdaman ang kalungkutan 
Ay noon mo naalala ang Maykapal 

Ang tao'y marupok, kaydaling lumimot 
Sa Diyos na ang lahat Siya ang nagdulot 
Sa Diyos na ang lahat Siya ang nagdulot 

Post a Comment

Previous Post Next Post