ANG DAIGDIG KO’Y IKAW

Music by Tony Maiquez
Lyrics by Levi Celerio

Wala nang ibang ligaya pa sa buhay
Ang daigdig ko’y ikaw kailan pa man
Sana’y iyong dinggin
Ang daigdig ko’y ikaw
Buhay kong madilim
Ikaw lang ang ilaw
Nuong una pa ay aking nabatid
Na ang sulyap mo ay mayroong pagibig
Habang naninimdim lalung nagmamahal
Ang puso kong baliw
Ang langit ay ikaw
Wala nang ibang ligaya pa sa buhay
Ang daigdig ko’y ikaw kailan pa man
Huwag magtataka ang daigdig ko’y ikaw
At kung lilimot ka ako’y mamamatay
Wala nang ibang ligaya pa sa buhay
Ang daigdig ko’y ikaw kailan pa man

Post a Comment

Previous Post Next Post