Ang Alkansya Ni Boyet
Mahirap lamang ang pamilya
ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka subalit walang
sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay. Ang ina naman
niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si Boyet.
Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat
na baitang na siya ng mababang paaralan.
Kapag
ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa siya ng
alkansiyang kawayan. Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang bakuran,
dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga. Pinipitas
nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.
Mabili
ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang
binibigyan ng pera sa kanyang inay.
“Salamat
po, inay. Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya.” masayang sabi
ni Boyet.
“Hayaan
mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga puno ay mapupuno na ang
alkansiya mo,” sabi ng kanyang inay.
Napuno nga ang alkansiya
ni Boyet. Masipag kasi siyang mag-ipon.
Nang
malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang mga tanim
na palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang ang kanilang inani. Nagkautang ang
kanyang itay. Nag-alala naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at
nawala ang inaasahan nilang panggagalingan ng pera.
“Baka
hindi ka makapag-aral ngayong taong ito, anak,” malungkot na sabi ng kanyang
inay.
“Nasira
ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo.”
“Makakapagaral
po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko. Ito ang gagamitin ko sa aking
pag-aaral,” nakangiting sabi ni Boyet.
Nakapag-aral
si Boyet ng pasukang iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok para sa
darating na pangangailangan.
Aral
Matutong mag-impok upang sa oras ng pangangailangan ay may
madudukot.
Post a Comment