Alamat ng Saging

 

Alamat ng Saging (Version 1)

May isang dalagang hinahangaan sa angkin niyang kagandahan. Mariang Maganda ang tawag sa kaniya. Siya ay may harding puno ng sariwang halaman. Marami dito ang namumulaklak. May rosal, kamya at santan dito. Mayroon ding sampaguila, eadena de amor at ehampaea. Nakikipagtagisan ng ganda ang dalaga sa bawat bulaklak na dito ay makikita.
Parang kabubukadkad na bulaklak pa lang si Maria. Siya ay batang-bata pa. Bagamat marami nang aali-aligid na nanliligaw ay wala pa siyang mapili isa man.
Kay Maria, hindi mahalaga kung sino ka. Ang tanging basehan niya sa pagsinta ay kung gusto ba niya ang binatang sa kanya ay nagmamahal.
Isang hapong namumupol siya ng mga bulaklak ay may isang makisig na binatang bumaba sa isang karwahe. Natiyak ni Mariang galing sa isang marangal na pamilya ang ginoo. Ipinagtanong ng binata kung saan daw ba makikita ang plaza. Itinuro ni Maria ang tamang daan. Nagpasalamat na may ngiti sa mga labi ang binata. Hindi alam ni Mariang gusto lang palang makipagkilala ng ginoo kaya ito bumaba sa tarangkahan ng hardin nila.
Magmula noon, buwan-buwan nang dumadalaw sa hardin ang binatang nakakarwahe na nagpakilala sa pangalang Aging. Nang makasiguro si Maria sa matapat na saloobin ng binata ay sinagot ito ng dalaga.
Isang hapon ay nagulat si Maria nang humahangos na dumating ang kasintahan.
“Ikinalulungkot ko Maria. Sa lalong madaling panahon ay isasama kita sa aming daigdig. Natatakot akong baka hindi ko na matutunan ang daan papunta sa inyong sangkalupaan. Unti-unti nang napapansin ng aking mga kalipi ang lagi kong pagkawala sa aming daigdig.”
Nahintakutan ang dalaga na baka mawala na sa kaniyang paningin ang tanging binatang nakapagpatibok sa puso niya.
Sa sobrang pagkalito ay lalong dumiin ang pagkakakapit ni Maria sa mga kamay ni Aging nang magpapaalam na ito.
Nakaalis at nakaalis ang nagmamadaling binata ay di napansin ng humahagulgol na dalaga na lalong humigpit ang tangan niya sa naputol na mga kamay ni Aging na inaagusan ng sariwang dugo.
Sa matinding takot ay ibinaon ni Maria ang dalawang putol na kamay sa kanyang hardin.
Tulad ng pangamba ni Maria ay di na nga nakabalik pa si Aging. Makalipas ang mga araw ay napansin ng dalaga na may sumibol na halaman sa lugar na kanyang pinagbaunan. Lumaki ang halaman.
Naging malusog na puno ito at namunga. Nagtataka si Mariang kahawig ng mga bunga nito ang mga daliri ni Aging. Ilang linggo pa ay sumulpot naman ang animo puso nitong kulay pula sa labis na pagmamahal. Kahit hindi na nakabalik pa ang kasintahan ay masaya na rin si Maria na may panahong isang dakilang mangingibig ang nagmahal sa kanya. Pero tuwing sasagi sa isip ng dalaga ang matagal na pinagsamahan nila ay napapaluha rin ito at sinasambit-sambit ang pangalang Aging… Aging.
Ang pangalang Aging ay naging Saging. Yan ang alamat ng unang saging.

Aral:

·         Kilalanin muna ng lubusan ang isang tao bago ibigay ang iyong pag-ibig sa kanya.

Alamat ng Saging (Version 2)

Sa isang nayon ay may mag-anak na tahimik na namumuhay. Ang lalaki’y si Mang Bino at ang babae’y si Aling Pacita. Ang kaisa-isa nilang anak ay si Tina. Lumaking maganda si Tina kaya’t maraming nangibig sa kanya. Ngunit mataas ang pangarap ng mga magulang para sa kaisa-isang anak. Kaya kapag mahirap na binata ang pumapanhik ng ligaw sa dalaga ay pinapakitaan ito ng masamang mukha ng mag-asawa. Malimit pang pagparunggitan ang mga maralitang mangingibig na sayang lamang ang taglay na kagandahan ng kanilang anak kung ang magiging kapalaran nito ay isa lamang maralitang isang kahig isang tuka.
Kabilang sa mga naakit kay Tina ay si Rading. Makisig siyang binata, may magandang asal, at may likas na kabaitan. Ngunit siya ay isa lamang maralitang magsasaka kaya’t sa kabila ng mga katangian ng binata ay tutol na tutol sa kanya ang mga magulang ni Tina. Sa kabila ng pamimintas sa binata ng mga magulang ng dalaga ay tinanggap pa rin ni Tina ang iniluluhog na pag-ibig ni Rading.
Nagsumpaan silang walang magtataksil at tanging kamatayan lamang ang maaaring humadlang sa kanilang pag-iibigan. Lihim na lihim ang kanilang pagsusuyuan sa pangambang malaman ito ng mga magulang ng dalaga.
Ang kagandahan ni Tina ay nakaabot sa pandinig ni Don Bruno. Siya’y naninirahan sa kabayanan at nang mabalitaan niya ang tungkol sa kagandahan ng dalaga ay ipinasya niyang pagsadyain ito sa nayon. Lulan ng magarang kotse, ang byudong si Don Bruno ay nagtungo sa tahanan ng dalaga.
Sa pamamagitan ng pagtatanong ay natunton niya ang tirahan nito. Nakipagkilala siya sa mag-anak at gayon na lamang ang pag-istima ng mag-asawang Mang Bino at Aling Pacita sa mayamang panauhin. Naging madalas ang pagdalaw ni Don Bruno at di nagtagal ay nagtapat ng pag-ibig sa dalaga. Tinanggihan ni Tina ang inihahandog na pag-ibig nito. Naging mapilit ang byudo kaya’t napilitan ang dalagang tapatin ito na wala siyang pag-ibig dito at ang puso niya’y nakasanla na sa iba.
Ayaw maniwala si Don Bruno dahil liban sa kanya, wala raw naman siyang nakikitang pumapanhik ng ligaw sa dalaga. Ito ay sapagkat napakahigpit nga ng mga magulang ni Tina. Sinabi rin niyang hindi siya titigil ng panunuyo sa dalaga, maliban na lang kung mapatutunayan niyang may katipan na nga ito. Sa sandaling mangyari ito, nangako siyang hindi na niya ito gagambalain pa. At kung ipagtatapat ng dalaga kung sino ang katipan nito ay hindi niya sasabihin ang lihim kahit kanino.
Sa kagustuhan ni Tina na tumigil na sa panliligaw ang matanda, ipinagtapat niya na si Rading ay kasintahan na niya. Hindi nagpahalata ng sama ng loob ang byudo, ngunit may lihim siyang binabalak upang mapasakanya ang dalaga.
Isang araw na umalis si Tina at sumama sa kaibigan sa pamimili sa kabayanan ay kinausap ng Don ang mga magulang na dalaga. Ipinagtapat niya sa mga ito ang tungkol kina Tina at Rading. Gayon na lamang ang galit ni Mang Bino ngunit sinikap ni Don Bruno na mapaglubag ang kalooban ng ama ni Tina. Iminungkahi niya na kung papayag ang mag-asawa ay ibig niyang makasal sila agad ni Tina. Palibhasa’y mayaman hindi tinutulan ng mga magulang ng dalaga ang plano ni Don Bruno. Napagkasunduan nilang idaraos ang kasal sa lalong madaling panahon.
Simula noon ay hinigpitang lalo ng mga magulang ang dalaga. Hindi na siya pinalalabas ng bahay nang walang kasama. Ang palaging kasama niya sa anumang pupuntahan ay ang kanyang ina. Ang lihim na pagkikita nina Rading at Tina ay naputol. Hindi malaman ng binata ang gagawin upang makausap ang katipan. Malimit na aali-aligid siya sa tahanan ng mag-anak upang masilayan man lamang ang minamahal. Subalit lagi siyang umu-uwing bigo.
Isang tanghali ay nakita niyang mag-isang umalis ng bahay si Aling Pacita. Dala nito ang basket na kinalalagyan ng pagkaing ihahatid sa asawang nag-aararo sa bukid. Dati-rati’y kasama ng ina ang dalaga. Hindi niya ito iniiwang mag-isa sa bahay sa pangambang magtungo roon ang kasintahan at magkausap ang dalawa. Nang tanghaling iyon ay hindi napilit ng ina na sumama si Tina sa paghahatid ng pagkain sa bukid. Dumaing ang dalaga na masakit na masakit ang kanyang ulo at nang damahin ng ina ang noo ng anak ay mainit at tila may sinat nga ito.
Pagkaalis ni Aling Pacita ay dali-daling tinungo ni Rading ang tahanan ng mag-anak at nagpatao-po. Nang maulinigan ng dalaga ang tinig ng kasintahan ay pinilit niyang makabangon kahit masamang-masama ang kanyang pakiramdam. Pinatuloy ni Tina ang binata at magkaharap silang naupo sa dalawang silyang napapagitnaan ng isang maliliit na mesa sa may tabi ng bintana.
Sabik na nagkumustahan ang magkasintahang matagal-tagal ding di nagkita. Palibhasa’y noon lamang muling nagkita, hindi matapus-tapos ang pagbabalitaan ng dalawa. Libang na libang sila sa pag-uusap at hindi na nila pansin ang kapaligiran. Hindi nila namalayan ang pagdating ng humahangos na si Mang Bino, kasunod ang humahabol na asawa. May nakapagbalita pala kay Mang Bino sa bukid na nasa kanilang bahay si Rading kaya’t napasugod nang uwi ang matandang lalaki.
Galit na galit ang ama ni Tina pagkakita sa dalawang nag-uusap sa tabi ng bintana. Hawak ang matalim na gulok ay biglang sinugod ng matandang lalaki si Rading at biglang tinaga ang kamay ng binata na nagkataong nakalawit sa bintana. Palibhasa’y mababa ang bahay ng mag-anak kaya nakuhang abutin ni Mang Bino ang kamay ng binata. Naputol ang kamay ni Rading at bumagsak sa lupa. Napatili si Tina at nawalan ng malay-tao nang makita ang pangyayari.
Sapo ang duguang bisig ay tumakbong pauwi ang binata. Kaagad siyang isinugod sa kabayanan upang dalhin sa pagamutan doon. Subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang binata dahil sa dami ng dugong nawala sa kanyang katawan. Ang kabayanan ay lubhang malayo sa kanilang nayon.
Nang magkamalay si Tina ay nasa loob na siya ng sariling silid. Ang namulatan niya sa kanyang tabi ay ang kanyang ina. Itinanong niya rito si Rading at ang kanyang ama. Napahagulgol siya ng panangis nang malaman niyang ang binata ay hindi na umabot sa pagamutan at ang kanyang ama naman ay dinala ng mga maykapangyarihan. Nagpumilit siyang bumangon at hindi napigil ng ina sa paglabas ng bahay. Tinungo niya ang lugar na kinabagsakan ng kamay ni Rading at buong pagmamahal na niyakap ang putol na kamay.
Ibinaon niya ang kamay sa kanyang halamanan. At sa umaga’t hapon sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hinahaplus-haplos niya ang lupang nakatabon sa kamay ng minamahal habang lumuluhang sinasambit-sambit ang “Rading. Rading.”
Hindi nagtagal ay may tumubong halaman sa pook na iyon at nang mamunga ay katulad na katulad ng mga daliri ng kamay ni Rading. Kumalat ang balita sa nayong iyon at naging paksa ng usapan ang kamay ni Rading. Tinawag ng mga tao ang bunga ng naturang halaman na kamay ni Rading. Nang lumaon ay ipinasya nilang tawagin itong saging.

Aral:

·         Ang pagiging matapobre ay walang mabuting maidudulot kanino man. Kung ang iyong anak ay umibig man sa dukha, maaring ito ay may dahilan. Kausapin ng masinsinan ang anak dahil wala namang bagay na hindi nakukuha sa mabuting usapan. Gayundin naman sa mga anak. Iwasang maglihim sa mga magulang upang maiwasan ang gulo sa pamilya.
·         Huwag maging mapilit lalo na sa pag-ibig. Kung ayaw sa iyo ng taong iyong minamahal, respetuhin ito at huwag nang ipilit ang iyong sarili. Maaaring may ibang taong nakalaan para sa iyo kung ikaw lamang ay marunong maghintay.

Alamat ng Saging (Version 3)

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging. Labis nilang minamahal ang isa’t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man ay ‘di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagalit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ng ama ni Juana ang braso ni Aging at ito’y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito’y kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo’y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
“Ang punong iyan ay si Aging!” wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na “Aging” at sa katagalan ito’y naging “Saging”.

Aral:

·         Ipaalam sa magulang kung ikaw man ay may kasintahan na. Kung hindi sila pumayag sa inyong relasyon ay huwag maging matigas ang ulo at sundin na lamang sila upang maiwasang magkalamat ang relasyon sa iyong magulang.

Alamat ng Saging (Version 4)

Noong unang panahon, may isang kaharian ng luntiang mga bukid, malinaw na mga batis at asul na mga burol sa Lanao. Pinamumunuan ito ng isang maganda, mabait at napakarunong na prinsesa kaya ginagawa ng kanyang nasasakupan ang lahat upang mapaligaya siya.
“Pasaganain natin ang ani sa ating mga bukirin,” wika ng mga lalaki. “Sa gayon, maliligayahan ang ating reyna.”
“Panatilihin nating malinis ang ating mga kabahayanan at maayos ang ating mga tahanan,” wika naman ng mga kababaihan. “Sa gayon, ikararangal tayong lahat ng ating reyna.”
“Maging masunurin at magpakabait tayo,” sabi ng mga kabataan. “Sa gayon, palagi tayong mamahalin ng ating mga magulang at ng reyna.”
At ginawa nilang lahat ang kanilang ipinangako. Sinunog ng mga kalalakihan ang kanilang mga sabungan at sugalan at gumawa sa mga bukid sa buong maghapon. Pinanatiling malinis at makintab ng mga babae ang kanilang tahanan. Nagpakabait nang husto ang mga kabataan kaya itinapon nang lahat ng mga magulang ang kanilang pamalong patpat, samantalang itinurong mabuti ng mga guro ang mga araling nararapat ituro sa mga mag-aaral.
Lumipas ang mga taon at patuloy ang reyna sa pamumuno nang nag-iisa. Ngunit may isang taong hindi nasisiyahan sa kaharian. Isa siyang masamang pinsan ng reyna. Nais niyang siya ang mamuno sa kaharian at nag-isip ng maraming masasamang bagay upang maagaw ang trono ng reyna.
Marami pang taon ang nagdaan. Nag-iisang pinamumunuan ng reyna ang kaharian. Napakaraming mangingibig mula sa ibang mga bansa, mga hari at prinsipe ang nagmamakaawa sa kanyang pag-ibig, ngunit sinagot sila ng reyna ng: “Kapag tinanggap ko ang isa sa inyo, magagalit ang iba. Magkakaroon ng digmaan. Mamabutihin ko pang manatiling walang asawa at maging payapa ang aking kaharian kaysa mag-asawa at maging dahilan ng kaguluhan.”
Samantala, lihim na may pag-ibig ang masamang pinsan ng reyna sa isa sa kanyang mga mangingibig. Nagbalak siya at binulungan niya ito:“Bakit ka nagsasayang ng oras? Mahal ka ng pinsan kong reyna. Hindilamang niya matanggap ang iyong pag-ibig sapagkat maglulunsad ngdigmaan ang iba niyang mangingibig. Dalhin mo rito ang iyong mga kawalat ipapatay mo ang iyong mga karibal at ang mga guwardya ng reyna.Pasukin mo ang lungsod, at magiging iyo ang reyna at ang kanyangkaharian.”Pinaniwalaan siya ng mangingibig at matuling umuwi sa kanyangbayan. Tinipon niya ang pinakamahuhusay niyang mga sundalo at nagbaliksa kaharian ng reyna.
“Bakit ka nagsasayang ng oras? Mahal ka ng pinsan kong reyna. Hindi lamang niya matanggap ang iyong pag-ibig sapagkat maglulunsad ng digmaan ang iba niyang mangingibig. Dalhin mo rito ang iyong mga kawal at ipapatay mo ang iyong mga karibal at ang mga guwardya ng reyna. Pasukin mo ang lungsod, at magiging iyo ang reyna at ang kanyang kaharian.”Pinaniwalaan siya ng mangingibig at matuling umuwi sa kanyangbayan. Tinipon niya ang pinakamahuhusay niyang mga sundalo at nagbaliksa kaharian ng reyna.
Pinaniwalaan siya ng mangingibig at matuling umuwi sa kanyang bayan. Tinipon niya ang pinakamahuhusay niyang mga sundalo at nagbalik sa kaharian ng reyna.
Isang matingkad na kulay ng ibong may mahika, ang Nori, ang nakarinig sa pataksil na pakana ng pinsan ng reyna at ng mangingibig. Lumipad ang Nori sa may bintana ng reyna, iwinasiwas ang kanyang mga pakpak at nagsabi:
“Pakinggan ninyo ako, mahal na reyna. May nais akong sabihin sa inyo.”
“Magsalita ka,” sagot ng reyna.“
Dapat po ninyong malaman na may balak ang isa ninyong mangingibig na patayin ang lahat niyang karibal at ang inyong mga guwardya. Binabalak din po niyang agawin kayo nang sapilitan at pakasalan kayo. Ngunit hindi iyan ang lahat. Nais ng inyong pinsan ang inyong korona at hindi siya titigil hangga’t hindi niya kayo napapatay at nakakamit ang pag-ibig ng inyong asawa.”
Matapos makapagsalita ay lumipad nang papalayo ang ibong may mahika. Lubhang nabahala ang reyna.
“Aba,” hinagpis niya, “sinikap kong pamunuan ang aking kaharian nang buong husay at katalinuhan. Sinikap kong mabigyang-kasiyahan ang aking mga tauhan sa lubos ng aking makakaya. Ngunit ang sarili kong pinsan pala ang magtatraydor sa akin”.
Natigib ng kalungkutan ang kanyang puso. Buong pait siyang nanangis na parang madudurog ang kanyang puso, ngunit hindi niya ipinakita ang kanyang pighati kaninuman.
Nang sumapit ang gabi, inutusan niya ang lahat ng nasa palasyo – mga katulong, mensahero, at mga guwardya – na lumabas sa bakod ng palasyo. Nag-alinlangan ang mga tao kung bakit gumawa ng ganoong pakiusap ang reyna, subalit naisip nilang may mainam na dahilan ang reyna sapagkat wala pa siyang nagagawang anumang bagay na hindi makatarungan.
Nang makalabas na ang lahat, kinulong ng reyna ang sarili sa kanyang silid at sinilaban niya ang silid. Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang mga silid. Nakita ng mga tao ang apoy at tinangka nilang apulahin ito. Ngunit isinusi ng reyna maging ang mga pinto ng palasyo kayat natupok siya kasama ng buong palasyo.
Ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng kanilang reyna. Nagtayo sila ng magarang bakod sa palibot ng kanyang mga abo. “Nararapat natin siyang dakilain sapagkat minahal nila tayo ng lubos,” wika nila.
Isang umaga, hindi pa natatagalan pagkaraan noon, isang mahiwagang halaman ang lumitaw sa bunton ng mga abo. Malalaking pahaba ang berde nitong mga dahon na nakakapit sa isang tuwid na puting sanga. Walang tinik sa katawan ng puno at iwinasiwas sa hangin ang mga dahon nito. Nakilala ang halaman bilang saging.
“Ito ay ang ating reyna,” sabi ngmga tao sa isa’t isa. “Nabuhay siyang muli.”
Tumubo ang halamang saging at hindi nagtagal, isang hugis pusong bulaklak ang lumitaw mula sa ubod nito. Hubog-daliring mga bunga ang lumitaw mula sa mga bulaklak nito. Nang mahinog ang bunga, tinikman itong mga tao at nagsabi: “Napakasarap! Handog ito ng ating reyna sa atin.”
“Magsalita ka,” sagot ng reyna.“Dapat po ninyong malaman na may balak ang isa ninyon gmangingibig na patayin ang lahat niyang karibal at ang inyong mgaguwardya. Binabalak din po niyang agawin kayo nang sapilitan at pakasalan kayo. Ngunit hindi iyan ang lahat. Nais ng inyong pinsan ang inyong korona at hindi siya titigil hangga’t hindi niya kayo napapatay at nakakamit ang pag-ibig ng inyong asawa.”
Matapos makapagsalita ay lumipad nang papalayo ang ibong may mahika. Lubhang nabahala ang reyna.
“Aba,” hinagpis niya, “sinikap kong pamunuan ang aking kaharian nang buong husay at katalinuhan. Sinikap kong mabigyang-kasiyahan ang aking mga tauhan sa lubos ng aking makakaya. Ngunit ang sarili kong pinsan pala ang magtatraydor sa akin”.
Natigib ng kalungkutan ang kanyang puso. Buong pait siyang nanangis na parang madudurog ang kanyang puso, ngunit hindi niya ipinakita ang kanyang pighati kaninuman.
Nang sumapit ang gabi, inutusan niya ang lahat ng nasa palasyo – mga katulong, mensahero, at mga guwardya – na lumabas sa bakod ng palasyo. Nag-alinlangan ang mga tao kung bakit gumawa ng ganoong pakiusap ang reyna, subalit naisip nilang may mainam na dahilan ang reyna sapagkat wala pa siyang nagagawang anumang bagay na hindi makatarungan.
Nang makalabas na ang lahat, kinulong ng reyna ang sarili sa kanyang silid at sinilaban niya ang silid. Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang mga silid. Nakita ng mga tao ang apoy at tinangka nilang apulahin ito. Ngunit isinusi ng reyna maging ang mga pinto ng palasyo kayat natupok siya kasama ng buong palasyo.
Ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng kanilang reyna. Nagtayo sila ng magarang bakod sa palibot ng kanyang mga abo.
“Nararapat natin siyang dakilain sapagkat minahal niya tayo ng lubos,” wika nila.
Isang umaga, hindi pa natatagalan pagkaraan noon, isang mahiwagang halaman ang lumitaw sa bunton ng mga abo. Malalaking pahaba ang berde nitong mga dahon na nakakapit sa isang tuwid na puting sanga. Walang tinik sa katawan ng puno at iwinasiwas sa hangin ang mgadahon nito. Nakilala ang halaman bilang saging.
“Ito ay ang ating reyna,” sabi ng mga tao sa isa’t isa. “Nabuhay siyang muli.”
Tumubo ang halamang saging at hindi nagtagal, isang hugis-pusongbulaklak ang lumitaw mula sa ubod nito. Hubog-daliring mga bunga ang lumitaw mula sa mga bulaklak nito. Nang mahinog ang bunga, tinikman itong mga tao at nagsabi:
“Napakasarap! Handog ito ng ating reyna sa atin.”
Kinain nila ang bunga at lahat ay sumang-ayon na handog sa kanila ngkanilang reyna ay kasintamis niya. Ginawang tsonggo ng Diyos ang masamang pinsan ng reyna. Natuklasan nitong napakatamis ng handog ng reyna kaya naging paborito niya ito sa lahat ng mga prutas.

Aral:

  • ·         Huwag manibugho at magnasa ng hindi mo pag-aari.
  • ·         Maging matapat at mabait.
  • ·         Maging maayos, malinis sa tahanan at kapaligiran.
  • ·         Paunlarin at maging masipag sa Kabuhayan.
  • ·         Maging magalang at masunurin sa mga magulang.
  • ·         Ang bawat kasipagan ay may katapat na kaunlaran at kasaganaan.

Post a Comment

Previous Post Next Post