Alamat ng
Durian
Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong
kilala sa tawag na Tandang During. Nakatira siya sa paanan ng bundok. Ang
maliit niyang kubo ay nakatayo sa gitna ng malawak niyang bakuran na naliligid
ng mga puno.
Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang
katatakutan ng mga ina sa kanilang malilikot na mga anak. Sabi nila ay lahi ito
ng mangkukulam kung kaya dapat iwasan.
Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na
nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga anak ay hindi na siya umalis sa
paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil matanda na ay mas ibig pa niyang
asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman.
Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng
mga tao. Noong kamamatay palang ng mga mahal niya sa buhay ay marami ang
nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya. Sa gayon ay unti-unti na ring
lumayo sa kanya ang mga tao hanggang maging panakot na lamang siya sa makukulit
na mga bata.
Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay
malalaki na ngunit si Tandang During ay gayon parin.
Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi nakikisalamuha sa mga tao.
Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi nakikisalamuha sa mga tao.
Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaibang amoy sa
komunidad. Hindi nila alam kung ano ang amoy na iyon at kung saan galing.
Nanatili ang amoy nang sumunod pang mga araw at patindi nang patindi. Nagpasya
ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng amoy.
Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During at natiyak na doon
nanggagaling ang amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita.
Sa halip ay nabaling ang pansin nila sa isang puno na ang mga bunga ay may
matitigas na balat at matatalim na tinik. Dahil sobrang hinoy ay nagsisimula
nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng
bunga. Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-pareho ring
nasarapan sa lasa ng prutas na iyon. Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa
kani-kanilang bahay.
Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at
itinanong kung ano ang dala nilang prutas ay iisa ang sagot nila, “bunga ng
tanim ni Tandang During ‘yan”, sabi nila.
“During yan,” ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan
nila ito ng bunga at itanong ng mga kakilala kung ano iyon ay sinabi nitong ang
pangalan ng prutas ay “during yan”. Kalaunan ay nagiging durian.
Aral
- Iwasan ang pagiging masungit.
- Huwag ipanakot ang mga matatanda sa mga bata.
- Laging magpakita ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Post a Comment