Alamat ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri
ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si
Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may
kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na
may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si
Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di
maipaliwanag.
Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang
itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa
kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang
katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin
ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag
nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking
gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na
kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si
Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng
lupain. Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit
ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang
kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay
nag-iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo
at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang
lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait
ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.
Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi
nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.
Aral
- Walang mabuting naidudulot ang inggit.
- Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara ang sarili sa iba.
Alamat ng Ampalaya (Buod)
Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya
kanyang katangian.
Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis
na kutis, ang luya ay may kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang
kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa ay luntian.
Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya
ay may maputla at may lasang di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang
gulay.
Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng
ibang gulay. Nang sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya
ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.
Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag
kakaguluhan na ngayon.
Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng gulay
na sundan ang kakaibang gulay.
Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si
ampalaya. nagalit ang lahat at si ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.
Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng
kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang
gulay.
Post a Comment