Ang Salawikain at Sawikain ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ang mga ito ay kabilang na sa mga pinakamatandang kasabihan at pahayag ng damdamin, kaisipan at mga ninanis sa buhay na nalinang at ginagamit mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Masasabi nating ang mga ito ay kasama na sa matatawag nating kayamanan ng kulturang Pilipino. Ang mga Salawikain at Sawikain ay mga hiyas ng ating wika, mga salita ng ating mga sinaunang ninuno na naipamana sa sumunod na mga henerasyon. Ang mga ito ay nagtataglay ng karunungan at kaalaman sa tradisyonal na kulturang Pilipino.
Marami ang nalilito kung ano ang kaibahan ng salawikain at sawikain. Dahil dito, ninanais kong ipaliwanag ang konting kaibahan ng dalawa.
Ang Salawikain (Philippine Proverb) ay hango rin sa mga aral na nakuha sa pang araw araw na pamumuhaymay. Ang mga salita nito ay mas malalim. Ang mga kasabihang ito ay nagmula sa mga pahayag at pangaral ng mga matatanda.
Ang Sawikain (Filipino idiom or idiomatic expression) ay mga idyoma. Isa itong uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa atin, gamit ang ating wika. Ang mga ito ay base rin sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikisamaluha sa kapwa. Ito ay maaaring isang parirala o pangungusap, na ang ibig sabihin ay lubos na naiiba mula sa mga literal na kahulugan ng mga salita na binubuo ng idyoma o pansalitain na ekspresyon.
Post a Comment