Palagi nating naririnig ang salitang "Salawikain". Ano nga ba ang ibig sabihin ng Salawikain?

Ang mga Salawikain (Philippine proverbs) ay mga kasabihang Pinoy na ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya. Karamihan sa mga Salawikain nating mga Pilipino ay pamana na mga sinaunang henerasyon. Ang mga kasabihang ito ay naglalaman ng mga karunungang natutunan mula sa mga karanasan at naglalayong magbigay ng patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga Salawikain ay nagsisilbing aral sa pamumuhay, ito ay nagsasalamin ng ugaling Pilipino at nagbibigay ng payo, supporta, at mga paalala sa mga kabataan at sa lahat ng Pilipino, maging sa lahat ng tao sa buong mundo.

Post a Comment

Previous Post Next Post