Sa paksang ito ay pag-aaralan natin ang tinatawag na "parabula" at ilang mga halimbawa nito.



Ang parabula o talinghaga ay iba't-ibang maikling kuwento na hango sa bibliya na kung saan ang mga importanteng aral ay makukuha. Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang pangangaral.

Galing sa salitang Ingles na “Parables” ang parabula at galing naman ito sa salitang Greek na “Parabole“.

Ang Parabole ay maiksing sanaysay ukol sa mga posibleng mangyari o nangyayari sa buhay. Kadalasan ito ay nagtuturo ng aral ispiritwal o kagandahang asal na maaring gamiting gabay ng tao sa pagdesisyon.

Bukod rito, ang parabula ay maaaring nasa anyong patula o prosa. Kadalasan, isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.


Post a Comment

Previous Post Next Post