PAMAYPAY NG MAYNILA

composed by Constancio de Guzman


Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan

May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan

Ang bawa't mga kilos sa padyak ng pamaypay

Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.


Kung ito'y nakatabing sa tapat ng mukha ko

Ang ibig na sabihin may pag-asa sa puso ko

Nguni't pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo

Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.


Pag ito'y pinamaspas na panay ang pagaspas

Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiin

Subali't pagmalaya, may ibig alamin

Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.


Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin

Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdamin

Bawa't simoy ng hangin na dito ay nanggaling

Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

Post a Comment

Previous Post Next Post