Mga Tauhan at Buod ng EL FILIBUSTERISMO

Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere .


Mga Tauhan sa El Filibusterismo

  • Simoun – Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
  • Isagani – Ang makatang kasintahan ni Paulita
  • Basilio – Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
  • Kabesang Tales – Ang naghahangad ng karapatan sa  pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
  • Tandang Selo – Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
  • Ginoong Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at sya rin ang takbuhan ng nangagaylangan at si ya rin ang pinaka bantog na manananggol sa bayan nila
  • Ben-zayb – Ang mamamahayag sa pahayagan
  • Placido Penitente – Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
  • Padre Camorra – Ang mukhang artilyerong pari
  • Padre Fernandez – Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
  • Padre Florentino – Ang amain ni Isagani
  • Don Custodio – Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
  • Padre Irene – Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
  • Juanito Pelaez – Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
  • Makaraig – Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
  • Sandoval – Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Donya Victorina – Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni  Paulita
  • Paulita Gomez – Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
  • Quiroga – Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
  • Juli – Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
  • Hermana Bali – Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
  • Hermana Penchang – Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
  • Ginoong Leeds – Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
  • Imuthis – Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Palaging tinitingnan si Padre Salvi.



Ang Buod ng EL FILIBUSTERISMO

Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias.

Isang bapor na nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna. Nakasakay ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.

Si Basillo ay nakarating sa San Diego upang dalawin ang yumao niyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita niya si Simoun na nakilalang si Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari.

Tinangka ni Ibarra na patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si Basillo sa layuning maghiganti sa mga Kastilla. Tinanggihan ng binata nang dahil nais niyang makatapos sa pag-aaral.

Ang mga mag-aaral na Pilipino ay samantalang naghain sa isang kahilingan na itatag ang isang Akademiya ng Wikang Kastila ngunit hindi ipinagtibay nang dahil sa pamamahala ng mga pari.

Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa paghimagsik sa Sta. Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian ng buhay ang dalaga maghapon.

Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto upang magtalumpati laban sa mga pari na hindi ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

Ang unibersidad, kinabukasan ay natagpuan na may mga paskin na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at nadamay si Basillo.

Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang binata. Pinilit din siya ni Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring lapitan.

Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak nila maliban kay Basillo na wala siyang kamag-anak.

Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang panghahalay sa kanya.

Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan Heneral.

Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang buwan sa tulong ni Simoun. Tinanggap ni Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa pangyayaring ito at ang pagkamatay ni Juli.

Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya bilang handog sa kasal ni Juanito at Paulita na king itataas ang apoy matapos malabo ng dalawampung minuto ay magpuputok ng malaki bilang senyas na magsisimula na ang paghihimagsik

Sa araw ng kasal ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na dating kasintahan ni Paulita Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at binalaang umalis para hindi na madamay.

Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog.

Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino.

Uminom siya ng lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi na siya aabuting buhay. Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre Florentino ang naiwang alahas ni Simoum.

Post a Comment

Previous Post Next Post