Bakya mo, Neneng, luma at kupas na

Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;

Sa alaala'y muling nagbalik pa

Ang dating kahapong tigib ng ligaya.


Ngunit, irog ko, bakit isang araw

Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?

Sa wari ko ba'y di mo kailangan

Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.


Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw

Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.

Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,

Huwag itapon, aking hirang,

Ang aliw ko kailan man.

Post a Comment

Previous Post Next Post