SALAWIKAIN, SAWIKAIN AT KASABIHAN
Ang salawikain ay mga salitang maituturing na pilosopiya sapagkat ito ay may malalim na kahulugan at talaga namang matalinghaga. Ang sawikain naman ay mga salitang lumalarawan sa isang bagay o pangyayari na kadalasan ng mahirap malaman ang tumpak na kahulugan. Ang kasabihan naman ay mga salita o paniniwala ng mga tao at nakakaapekto sa isa.
Ang Salawikain, sawikain at kasabihan ay ang mga kilalang mga salita na bahagi ng kulturang Pilipino. Bagama't magkakapareho sila na bahagi ng kulturang Pilipino, magkakaiba naman sila sa kahulugan ng isa't isa.
SALAWIKAIN (PROVERB)
Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan.
Halimbawa:
1. Kung ano ang puno siya ang bunga.
2. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
3. Ang taong gipit sa patalim kumakapit.
4. Kung anong itinanim, siyang aanihin.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Iba pang mga halimbawa ng Salawikain
SAWIKAIN (SLOGAN)
Ang mga sawikain ay maaaring mga idyoma. Ang pagpapahayag na mga ibig sabihin ng mga sawikain ay hindi komposisyunal o mahirap matumpak.
Halimbawa:
1. magdilang-anghel (magkatotoo ang sinabi)
2. balitang kutsero (balitang hindi totoo; fake news)
3. ilaw ng tahanan (nanay o ina sa pamilya)
4. mababaw ang luha (iyakin o madaling mapaiyak)
5. nakalutang sa ulap (masaya)
Iba pang mga halimbawa ng Sawikain
KASABIHAN (SAYINGS)
Mga nakagawiang ekspresyong ng mga Pilipino.
Halimbawa:
1. Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda. (-Jose Rizal)
2. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
3. Walang sumisira sa bakal kundi ang sarili din niyang kalawang.
4. Napakahaba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
5. Nadadaig ng maaagap ang mga masisipag.
Post a Comment