MGA PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS
Pambansang Hayop - Kalabaw
Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis) ay isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo (Bubalus bubalis) na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam, pati sa ibang bahagi Timog-silangang Asya. Madalas iniuugnay ang kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-araro at magtulak ng kariton na ginagamit ng mga magbubukid upang madala ang kanilang ani sa palengke.
Itinuturing na Pambansang Hayop ng Pilipinas ang Kalabaw (Bubalus bubalis). Ito ay ang matalik na kaibigan ng magsasaka at ang masasabing pinakamahalagang hayop sa mga palayan. Ito ay ginagamit sa pagdadala ng mga produkto patungo sa pamilihang-bayan at isa ring magandang pinagkukunan ng gatas at karne. Anuwang ang katawagan nito sa lumang Tagalog at Nuwang naman sa mga Ilokano.
Pambansang Puno - Narra
Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng mga Pangasinense.
Ang punong narra ay sumisimbolo ng katatagan ng isang Pilipino. Kahit ilang bagyo pa ang dumaan ito ay hindi basta basta nabubuwag o natutumba. Katulad din ng isang Pinoy. Sa kabila ng napakaraming pagsubok na dumarating sa buhay, nananatili pa rin itong lumalaban, matatag at napapatagumpayan ang bawat problema. At ang kulay pulang dagta na umaagos sa puno nito ay simbolo rin ng katapangan na siyang katangian din ng mga Pilipino. Matapang na ipinaglaban ng ating mga ninuno ang karapatan nating maging malaya sa ating sariling bansa na patuloy ding ginagawa ng karamihan sa ating mga kababayan. Hindi takot lumaban ang mga Pilipino, lalo na kung sa kabutihan.
Pambansang Ibon - Aguila
Ang agila ay maituturing na hari ng himpapawid para sa mga hayop na lumilipad... sumasagisag ng katapangan, lakas at pagiging malaya. ang agila ay tinatawag na teritoryal ... pinuprotektahan nila ang kanila teritoryo sa ibang gustong sumakop dito. at higit sa lahat may agila sa bansa natin kaya ok lang na ito maging pambansang ibon
Ang haribon ay isang malaking agila na makikita sa mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang pambansang ibon ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno ng Pilipino. Sila ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng ibang agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas, kaguang, malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak
Pambansang Bulaklak - Sampaguita
Payak na kagandahan, kulay ng kadalisayan, bango na walang kapantay, kahit sa buhay man o patay, simbolo ng tunay na pinoy at pinay, simpleng simple kung mamuhay. tatak pinoy
Ang sampaguita, kampupot o hasmin (Ingles: jasmin o jasmine) ay isang uri ng palumpong na may maliliit, mababango at mapuputing mga bulaklak. Mas maliit ang bulaklak nito kaysa ibang mga sampaga.
Pambansang Prutas - Mangga
Ang mangga ay tinuturingn na pambansang prutas ng Pilipinas at tinatawag rin itong "apple of the tropics". Ito ay kilala sa buong mundo at ito ang madalas inaangkat ng ibang bansa sa mga bansang tropikal. Malalaman mo kung ang mangga ay hinog na kung ito ay may dilaw na balat at malalasahan ang pinakamatamis nitong lasa. Merong dalawang klase ng mangga ang matamis na manggang piko at ang malaman na manggang kalabaw.
Ang mangga ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indyan lalo na sa Indya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang Asya. Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba’t-ibang sangkap o pabango. Prinipriserba rin ang mangga at ginagawang panghimagas o pansangkap sa iba’t ibang pagkain.
May iba’t ibang uri ng mangga: may manggang indiyano, kinalabaw, piko o manggang mansanas. Tumutubo ang mangga sa mga bansang tropikal ngunit maaari ring tumubo ito sa mga lugar na malamig katulad ng Amerika. Umaabot ang taas ng mangga mula 50 hanggang 80 talampakan, inaalagaan ang puno ng mangga sa pamamagitan ng pagbuga ng mga gamot laban sa insekto. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas ito palabas ng bansa para pagkakitaan.
Pambansang Dahon - Anahaw
Ang anahaw ( Livistona rotundifolia ) ay isang pabilog na dahon na palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag na Footstool palm sa Ingles. Pambansang dahon ito ng Pilipinas.
Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar.
Ginagamit ang mga dahon sa kugon at pambalot ng pagkain. Nabawasan ang laki ng mga ligaw na mga halaman dahil sa sobrang pag-ani. Bagaman mabilis na tumubo ang mga dahon pagkatapos anihin ngunit nagiging maliit ito.
Ang anahaw ( Livistona rotundifolia ) ay isang pabilog na dahon na palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag na Footstool palm sa Ingles. Pambansang dahon ito ng Pilipinas.
Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar.
Ginagamit ang mga dahon sa kugon at pambalot ng pagkain. Nabawasan ang laki ng mga ligaw na mga halaman dahil sa sobrang pag-ani. Bagaman mabilis na tumubo ang mga dahon pagkatapos anihin ngunit nagiging maliit ito.
Pambansang Isda - Bangus
Pambansang sagisag ng Pilipinas ang mga bangus. Sapagkat mabagsik sa pagiging matinik ang mga ito kung ihahambing sa ibang mga pagkaing isda ng Pilipinas, naging tanyag ang pagbili ng mga naalisan ng tinik na mga bangus mula sa mga tindahan at pamilihan. Ang MF Sandoval Trading (Bahay-Kalakal na MF Sandoval) ang nagpasimula ng pagbebenta ng mga naalisan ng tinik na mga bangus sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan. Ginamit ng kompanyang MF Sandoval ang katawagang “bangus na walang tinik” (boneless bangus) upang maging mas mabili at kaaya-aya ang produkto.
Pambansang Pagkain “Letsong Baboy”
Ang litson o letson (sa Kastila: lechón – biik) ay isang inihaw na buong baboy, bata man o hindi, na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong nakatuhog sa kawayan habang nakadarang sa nagbabagang mga uling.
Pambansang Tirahan “Bahay-Kubo”
Ang bahay kubo o kubo lamang ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng anahaw. Ang bahay kubo ay ang pambansang bahay ng Pilipinas. Ang bahay kubo ay gawa sa kawayan na pinagtali at mga nipa. Angkop ito laban sa hangin at ulan. Ngunit ito ay madaling masira sa mga bagyo at madaling palitan.
Pambansang Sayaw “Tinikling”
Pambansang Kasuotan para sa mga Lalaki “Barong Tagalog”
Ang Barong Tagalog, Barong Pilipino, o Barong lamang ay burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.
Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon, kabilang na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Naging opisyal na pambansang kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1975.
Pambansang Kasuotan para sa mga Babae “Baro at Saya”
Pambansang Laro “Sipa”
Ang sipa ay isang uri ng laruang panlibangan, o laro na ginagamitan ng bolang ratan (tulad ng sa sepak takraw) o isang bilog at pinisang piraso ng bakal na may buntot na mga hibla ng plastik.
Pambansang Bayani “Dr. Jose Rizal”
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo.
Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso’t diwa ng mga Pilipino.
Pambansang Sasakyan “Kalesa”
Ang kalesa ay isang sasakyang hinihila ng kabayo. Nakikita ito sa mga probinsiya ng Ilokos, lalo na sa may Vigan City, ang kabuuan ay yari sa kahoy at nilalagyan ng bakal bilang suporta. Ang kalesa ay pinapatakbo ng isang kutsero. Nilalagay ng sapin ang ilalim ng puwitan ng kabayo para dito babagsak ang mga dumi nito. May nakasabit ding mga balde ng tubig para inumin ng kabayo.
Pambansang Hiyas “Perlas ng Timog Karagatan”
Pambansang Sapin sa Paa “Bakya”
Ang Bakya ay isang uri ng sapin sa paa na yari sa kahoy, karaniwan ay mula puno ng laniti at santol. Ito ay inuukit na may bahagyang lundo o kurba sa magkabilang bahagi upang bigyan ng anyong animo’y paa. May kakapalan ang kahoy na ginagamit sa paggawa ng bakya kaya naman kadalasan ay inuukitan pa ito ng ilang disenyo, gaya ng bulaklak at kabundukan. Nililiha ito upang kuminis, at kung minsan ay pinipinturahan upang mabigyan ng higit na kaaya-ayang anyo. Mahigit isang pulgada ang kadalasang taas ng bakya, at may ilan namang nilalagyan ng karagdagang takong upang mas umangat sa lupa.
Pambansang Watawat ng Pilipinas
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon – ang Luzon, Mindanao, at Panay. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.
Post a Comment