Ang Ibon at Ang Langgam
Merong isang langgam sa tabi ng batis,Sa nilakad-lakad nahulog sa tubig, sa nilutang-lutang at inikit-ikit, kamatayan niya’y lalong lumalapit. Sa tabi ng batis; sa may sanga ng kahoy ay may namumugad namang isang ibon, sa kawawang langgam nagbigay ng tulong,naglaglag ng isang maliit na dahon. Sa dahong nalaglag langgam ay kumapit,Kaya’t nakaligtas siya sa panganib.Ang pasasalamat ay di mahulip,“Makagaganti rin!” ang ipinagsulit. Sa nasabing puno ng kahoy ang langgam ay gumawa ng bahay. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan.Gumawa ng punso o puntod at pinagsikapang bantayan ang ibon Habang nabubuhay. Ilang araw lamang ang nakalipas May isang binata ang lumabas sa gubat.May saklay itong pana sa kanyang balikat at ang ibon ay siyang hinanap. Nang napapagod na’y nakaramdam ng uhaw ang binataKaya’t nakarating siya sa batisan. Dito niya nakita ang ibonNa siya niyang pakay, nasa sanga ng kahoy at gustoNiyang hulihin, at kara-karaka’y kinuha ang kanyang panaAt papanain n asana ang ibong kawawa. Ngunit nagulantangNa lamang ang binata nang sugurin ng mga langgam ang kanyang paa. Sa pagkagulat ng binata nahulog ang kanyang sibat, nagkaroonNg pagkakataon ang ibon para makalipad. Ang binata naman sa Sakit ng mga kagat dulot ng mga langgam sa pook na yaon ay umalis agad.Ang nangyaring ito sa ibon at sa langgam saksing mahalagaSa pagtutulungan. Iligtas mo ako sa kapahamaka’t, Ililigtas kita sa kapanganiban.
Post a Comment