ANG ALAMAT NG BAYABAS
Bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas ay mayisang sultan na ubod ng lupit at hindi kumikilala ng katarungan. Siyasi Sultan Barabas. Lubha siyang kinatatakutan ng mag nasasakupandahil sa kanyang kalupitan.
Ang salita ni Sultan Barabas ay batas. Wala siyang iginagalang sakanyang pagpaparusa. Matanda at bata, lalaki at babae aypinarurusahan niya. Mabigat ang parusang ipinapataw niya sa mganakagagawa ng kahit maliit na kasalanan.
Mabibigat na parusa agad ang kanyang iginagawad. Iyon ay upangmagkaroon dawn g kadalaan at hindi na umulit pa ang mga taongnagkasala.
Araw- araw ay nabibihisan siya ng magagara at mamahaling damit.Tuwina ay nakalagay sa kanyang ulo ang gintong koronang ipinasadyapa niya sa malayong bayan. Ang koronang iyon ay isinusuot niya saanmang magpunta. Iyon ay pagpapakita ng kanyang kapangyarihan atpagiging mataas sa lahat.
Saganang- sagana din siya sa masasarap na pagkain. Gayunman ayubod naman siya ng damot. Walang pulubi ang nakahihingi sa kanyang tulong o kahit konting pagkain. Hindi katakataka na ang kanyangmalawak na hardin na may tanim ng iba’t ibang punong namumungaay hindi niya hinahayaang mapasok ninuman.
Siya lamang at ang mag aliping tagapitas ng mga bungangkahoy angnakakapasok doon. Mas mabuti pa sa kanya ang mabulok ang mgabunga ng puno kaysa ipakain sa iba.
Isang araw ay may isang mangingisda ang ipinadakip ng sultan sakanyang mga tauhan. Ang dahilan ay masyado itong ginabi sapangingisda. Walang awa niyang ipinakulong ang pobrengmangingisda. Iniutos pa niyang pahirapan ito upang magtanda.
Nakarating sa asawa ng mangingisda ang nangyari. Agad nagtungoang babae sa kaharian ng sultan kahit malalim na ang gabi. Angasawang ito ng mangingisda ay mahusay gumawa ng isdang daing. Itoang nagdadaing ng mga isdang nahuhuli ng asawa.
Walang takot na nagtuloy sa palasyo ang magdadaing. Kinatok nitoang natutulog na sultan. Dahil naabala sa tulog ay galit na galit nabumangon ang sultan. Nang malaman nito kung sino ang umabala sapagtulog at kung ano ang sadya nito ay lalo siyang nagalit.
Sa halip na maawa sa babae ay ipinakulong niya ito. Naisip niyangmakakain na ang masarap na daing dahil pahuhulihin niya ng isda angasawa nito at ipadadaing naman niya sa babae.
Masaya na rin sana ang mag- asawa kahit pareho silang nakakulong.Magkasama naman silang dalawa. Kaya lang ay nag- aalala sila parasa anak na binatilyo na naiwang mag- isa sa bahay nila. Alam nilangwalang mag- aasikaso sa mga pangangailangan nito kung wala silangdalawa.
Ang hindi nila alam ay inaalagaan ng mga diwata sa gubat angkanilang anak. Ang mga ito ang nagbibigay ng pagkain sa binatilyo saaraw- araw.
Isang araw, naisipan ng binatilyo na puntahan si Sultan Barabas. Ibigniyang hilingin ditto na palayain na ang ina at ama. Sinamahan siyang mga diwata sa pagtungo sa palasyo.
Nang magkaharap ang dalawa ay tahasang nagsalita ang binatilyo.Sinabi nito na dapat siyang bigyan ng sultan ng pagkain dahil angkinakain nito ay ang isdang pinaghirapang hulihin ng kanyang ama atidinaing ng kanyang ina.
Hindi pumayag si Sultan Barabas. Sa halip ay nagtawa lang ito. Sagalit ng binatilyo ay bigla nitong inagaw ang suot na korona ng sultan at saka nagtatakbo. Humabol sa lalaki ang sultan. Nakarating sila samalawak nitong hardin. Hindi maabutan ng sultan ang binatilyo dahilhigit itong mabilis tumakbo.
Napagod ng husto ang sultan. Humihingal itong huminto sa tapat ngisang malaking puno. Habol nito ang paghinga at dakot ang dibdib nananinikip.
Sa sumunod na saglit ay bigla na lamang itong natumba. Noon din ayagad itong binawian ng buhay.
Sa hardin ding iyon ito ipinalibing.
Nagkaroon ng bagong sultan. Ito ay higit na mabait at makatarungankaysa kay Sultan Barabas. Binuksan nito sa lahat ang malawak nahardin upang makakain ng bungangkahoy ang sinumang may nais.
Isang bagong halaman ang napansin ng mga tao na tumubo sapinaglibingan kay Sultan Barabas. Hinayaan ng mga tao na lumaki atmamunga ang nasabing puno.
Nang tikman nila ang bubot pang bunga ay napangiwi silang lahat.
“ Ang pait!” sabi ng isa. Simpait ng ugali ni Sultan Barabas!”.
Nang magsilaki na ang mga bunga at muli nilang tikman ay nasabi ngilan: “ Ang asim. Sing- asimng mukha ni Sultan Barabas!”.
“Kung gayon ay si Barabas ang punong iyan!”sabi ng marami.Nangmahinog ang mga bunga ay nasarapan ang lahat dahil matatamis angmga iyon. Mula noon ay nakagiliwan ang bunga ng puno at nanglumaon ay tinawag na Bayabas.
Post a Comment