ALAMAT NG BAHAG- HARI


Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ngbahag- hari. Subalit hindi nila matiyak ang totoong pinagmulan nito.Sabi ng mga matatanda na tuwing lalabas ang bahaghari, nagbibgayito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maramingnilikha ang naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay nagingmasaya at ang bawat isa ay nagmamahalan.

Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Nagingmakasalanan at gumulo ang mga tao. Naghari ang kasamaan, iilanlamang sa kanila ang naging mabubuting tao. Ang Dakilang lumikhaay hindi na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang araw nagpadala itong sugo para iparating sa mga tao na magsisi na sila sa kanilang mgakasalanan at magbago.

Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip aypinagtawanan at sinaktan pa ito. Ang Dakilang lumikha ay nagalit samga tao dahil sa kanilang kalapastanganan.

Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim angkalangitan at bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya’t bumaha angbuong kapaligiran. Ang lahat ng masasamang tao’y nangamatay atang mga mabubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakaligtas atnaiwan. Nang tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang bahaay muling umaliwalas ang langit. Mula sa langit ay natanaw nila namay isang arko ang lumitaw at nagtataglay ito ng iba’t ibang mgamagagandang kulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at tunay nanananalig sa Dakilang lumikha.

At ang arkong may iba’t ibang kulayay tinawag na “Bahaghari.” At hanggang ngayon ay makikita natinlumalabas ang Bahaghari matapos umulan ng malakas. Marahilpaalala ito ng Diyos na kung tuluyang magiging makasalanan ang mgatao’y muling malilipol ang mga masasama.

Post a Comment

Previous Post Next Post