Ang pag-aanak ay walang kabuluhan, kung ang magiging bunga’y palalabuyin lamang.

Kung ano ang gapang ng alimangong matanda, ay siya ring gapang ng alimangong bata

Anak na di paluhain, ina ang patatangisin.

Ang marunong na anak ay ligaya ng ama, ang perhuwisyong anak ay pasanin ng ina.

Sa inahing mapagkupkop, di man anak sumusukob.

Hindi magbubunga ng santol ang mabulo.

Kung sino ang minamahal, siyang pinahihirapan.

Post a Comment

Previous Post Next Post