Ang dalagang Pilipina
Pupunta sa bantilan
Dala-dala'y palo-palo
Papaluin ang basahan

Ang tapi niya'y dinampol
Ang baro niya'y kundiman
Ang buhok niyang mahaba
Alon-alon, nakalugay

Kung ibig mong makasapit
Sa bahay nilang dampa
Hagdanan ay salamin
Ang sahig ay parang sutla

Ang haliging kulay ginto
Ang ilaw ay parang tala
Ang bubong ay kulay langit
Alapaap ang bintana

May nais ka palang
Pumitas ng rosal
Di ka naparito
Nang kapanahunan

Nang ikaw'y dumating
Lagas na sa tangkay
Dahon man ay wala't
Nasa ibang kamay





Post a Comment

Previous Post Next Post