Richard Reynoso - Paminsan Minsan Lyrics
Paminsan minsan
naaalala pa rin kita
Kahit ngayon
mayr'ong nagmamahal
na ngang iba
Tuwing maiisip
nitong damdamin
nagbabalik
At para bang
nar'yan ka pa
sa aking tabi
Muling nadarama
ang yakap mo
Natitikmang muli
ang halik mo
Naririnig sinusumpang
ako ay mahal mo
Paminsan minsan
ang alaala mo'y
nagbabalik
At aaminin ko
hanggang ngayon
Ika'y iniibig
Hinihiling ko
na kahit nasan ka man
Isipin mo ako kahit
paminsan minsan lang
Paminsan minsan
tinititigan
larawan mo
Unti-unting
pumapatak ang luha ko
Pinagsisihan
lahat ng aking
pagkukulang
Kaya ikaw nga
sa akin ay lumisan
Kahit ngayon
mayro'n akong iba
Kahit sinasabing
mahal ko s'ya
Sa puso ko
ikaw pa rin
ang mahal ko...
Paminsan minsan
ang alaala mo'y
nagbabalik
At aaminin ko
hanggang ngayon
Ika'y iniibig
Hinihiling ko
na kahit nasan ka man ngayon
Isipin mo ako kahit
paminsan minsan lang.
Post a Comment