Regine Velasquez – Tuwing Umuulan Lyrics


La la la
la la la ahah..
Pagmasdan ang ulan
unti-unting pumapatak
Sa mga halama't 
mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim 
unti-unting bumabalot
Sa buong paligid
t'wing umuulan
Kasabay ng ulan
bumubuhos
ang iyong ganda
Kasabay ng hanging
kumakanta
Maaari bang 
huwag ka nang
Sa piling ko'y 
lumisan pa
Hanggang ang 
hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan
aking mundo'y 
lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil 
ang puso kong 
nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y
humihiyaw sa tuwa..
Tuwing umuulan 
at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan 
unti-unting tumitila
Ikaw ri'y 
magpapaalam na.. oh..
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka't 
maiduyan pa
Sa tubig at ulan 
lamang ang saksi..

Minsan pa ulan 
bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito 
ng puso kong 
sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y 
humihiyaw sa tuwa..
Tuwing umuulan 
at kapiling ka

La la la... La la la... 
La la la... La la la... 
La la la... La la la... 
la la la
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka't 
maiduyan pa
Sa tubig at ulan 
lamang ang saksi..

Buhos na ulan
aking mundo'y 
lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil 
ang puso kong 
nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y
humihiyaw sa tuwa..
Tuwing umuulan 
at kapiling ka

Post a Comment

Previous Post Next Post