Ang Araw at ang Hangin
Sino kaya ang mas malakas,
ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong araw
dahil sa nagpapalakasan nga.
Isang araw, sinabi ng
hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”
Ngumiti
ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may
lalaking dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot
niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”
kikilalaning mas malakas.”
“Payag
ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin.
“Ako
ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang
labanan.
Sinimulan
niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang
hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.
Nilakasan ng hangin ang
pag-ihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg ng kanyang
polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa pag-ihip. Lalo namang pinakaipit-ipit
ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila giniginaw na siya.
Nanghina
na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip niya ay talagang hindi niya
makuhang mapaalis ang damit ng lalaki.
“Sige,”
sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin
naman mapapahubad ang taong iyon.”
Pinalitaw
ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng
lalaki.
Dinagdagan
pa ng araw ang init na inilalabas niya at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang
butones sa baro.
Maya-maya,
nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang
lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito.
Panalo
ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.
Aral
·
Iwasan ang pagiging mayabang.
Post a Comment