"Ikaw"

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw
ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto 
na balang araw iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw
ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal
biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo 
ngumingiti ng kusa aking puso
Pagka't nasagot na ang tanong
nag-aalala noon
kung may magmamahal sa'kin ng tunay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal 
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw
ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal
biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

At hindi pa'ko umibig ng gan'to at
nasa isip makasama ka habang buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw
ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal 
biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw
ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal
biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Pag-ibig ko'y ikaw...

Post a Comment

Previous Post Next Post