Vingo and Jimmy Lyrics



"Muli mong mahalin"


Hindi na ba maibabalik
ang tamis ng pagsuyo
Hindi na ba kayang pagbigyan
ang puso kong ito
Alam kong ako'y nagkamali
Pinagsisihan ko
Minsan pa sana'y mapatawad mo
Tanggapin ang pagsamo

Di ka ba nanghihinayang
sa kahapong kay saya
Hindi mo na ba naaalala
na mahal kita sinta

Tunay nga kayang naglaho na 
ang iyong pagmamahal
Ano ang dapat gawin
upang ako'y muli mong mahalin

Lagi kong napapangarap
Ang ating nakaraan
Pag ako'y di mo pinapansin
ako'y nasasaktan
Puso ko'y sumisigaw
Sana ay pakinggan

Mga labi ko'y nananabik
na muli kang mahagkan

Di ka ba nanghihinayang
sa kahapong kay saya
Hindi mo na ba naaalala
na mahal kita sinta

Tunay kayang naglaho na 
ang iyong pagmamahal
Ano ang dapat gawin
Sana'y iyong dinggin

Bakit di mo pagbigyan
ikaw ay mahaling muli
Minsan pa'y tanggapin ang pag-ibig ko

Di ka ba nanghihinayang
sa kahapong kay saya
Hindi mo na ba naaalala
na mahal kita sinta

Tunay kayang naglaho na 
ang iyong pagmamahal
Ano ang dapat gawin
upang ako'y muli mong mahalin.

Post a Comment

Previous Post Next Post