Kabanata 42 – Ang Mag-asawang De Espadaña



Noli Me Tangere Kabanata 42-45

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.
Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang silid.
Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Nuong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang,ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina.
Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya,wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.
Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.
Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada.
Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa “lupaing ito ng mga salvaje.” Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.
Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.
Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de Saya.
Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.
Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya.
***
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado.
Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan – Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanay’y nakadaupang palad nila ang Henerl.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng azucena.
Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.
Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.
Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linarez sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

Kabanata 43 – Mga Panukala

Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sisnabi sa “Anak ko, hindi ka mamamatay.”Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong kalambot na damdamin ng pari. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria.
Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.
Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas, pilit na nagpapatulo siya ng luha nan isalysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas.

Kabanata 44 – Pagsusuri Sa Budhi


Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.
Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Pari Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na mag kausap ang anak at si Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria.
Hindi pinansin ni Pari Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat namga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Pari Salvi na gamutin ng kanyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes.
Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan nniya ng viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.
Samantala,pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kaag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang kung hindi sumulat si Ibrra. Sumagot si sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng arsobispo ang kanyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pag\uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapag tanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen.
Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Pari Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na di nagtamo nag patawad.

Kabanata 45 – Ang Mga Pinag-uusig

Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nag makita ni Elias ang Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang magkita. Noon, ayon Kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban. May 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanyang natagpuan.
Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di-binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa kanyang paghahanap sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na silang nag-iisa sa buhay. Umiilig lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng mga buhong. Nuon anya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at kamatayan ang isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo. Karumal-dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang kanyang pagpupuyos.
Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang anak ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar.Pero ang kanyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.
Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pingambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng nalalabi sa kanya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa kanyang pangkat na pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw upang lumusob.
Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa pangambang makasugat nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa. Nangako ang matanda na hindi rin siya susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kanyang pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kanyang tungkulin.
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra ) sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahadog ng buhay.

Post a Comment

Previous Post Next Post