Kabanata 11 – Ang Mga Makapangyarihan

Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.
Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag na Sakristan Tiyago.
Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique.

Kabanata 12 – Araw Ng Mga Patay

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.
Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.

Kabanata 13 – Mga Unang Banta Ng Unos.

Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata 14 – Si Pilosopo Tasyo

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”
Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.
Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.



Post a Comment

Previous Post Next Post